Nadaanan ko ’yung mga bodega ng both ABS-CBN at GMA na tumatanggap ng mga donasyon para sa mga biktima at survivor ni Yolanda at talaga namang nagulat ako sa rami ng mga donasyon, umaabot na ng langit. Siguro dapat munang itigil nila ang pagtanggap ng donasyon, lalo na ng mga pagkain dahil baka hindi agad mai-deliver ay masira lamang ang mga ’yun na nakatambak lamang sa mga gilid ng kalsada.
Maski na ang mga bottled water ay baka mapanis din at baka ’yung mga biscuit at noodles ay mangadurog lamang at magmistulang asin o paminta na lamang. Kapag nai-deliver ng lahat eh saka humingi muli ng donasyon.
Nora sangkot na naman sa hindi magandang kuwento
Si Nora Aunor naman umaagaw pa ng pansin sa kaguluhan na dulot ng Yolanda. Bakit ang abogado niyang si Atty. Ferdinand Topacio ang tinawagan niya at hindi ang TV5? Kayang-kaya nitong balikatin ang halaga ng pagkakautang niya sa kanyang tinutuluyan at awasin na lamang sa kanyang kikitain sa kanyang mga proyekto sa istasyon.
Para sa isang artista na may mataas na estado na tulad niya, parang nakakahiya na magkaroon siya ng ganung problema dahil siguro naman may project man siya o wala ay may suweldo siya na regular na tinatanggap mula sa TV5.
Sana maiwasan na ang mga ganitong hindi magandang kuwento para sa isang Superstar.