Lucy ikinumpara sa World War II ang pamimigay ng pagkain sa mga winasak ng bagyo

Kahapon sa programang Kris TV ay naging pana­uhin ni Kris Aquino ang mag-asawang sina Richard Gomez at Rep. Lucy Torres-Gomez upang ibahagi ang kanilang kondisyon ngayon sa Ormoc City, Leyte pagkatapos ng bagyong Yolanda.

Unti-unti na raw bumabangon ang ating mga kababayan doon dahil na rin sa mga tulong na kanilang natatanggap mula sa buong kapuluan. “People are homeless but definitely not hopeless because the outpouring of support is just so great,” paniniyak ni Lucy. Sinisiguro nilang nakararating sa bawat barangay ang lahat ng mga ipinadadalang relief goods.

“Bumubuhos, maraming tulong. The main limitation na lang, or main concern, is getting it to barangays kasi madami pa ring barangay na hindi nakakatanggap. Hindi dahil walang maitutulong ang gobyerno or dahil walang relief goods na dumarating, limpak-limpak kaya lang logistically it’s difficult,” paliwanag ni Lucy.

“Kasi malalayo ang mga barangay. Pangalawa malayo na ‘yung barangay, hindi pa ayos ang kalsada so you can imagine ang travel time ay mas­yadong mahaba. Ang complex thing pa, minsan kapag binagsak mo sa mayor ’yung relief goods at hindi kaalyado ni mayor ang mga tao, hindi aabot talaga. That’s the reason why sa situation namin sa Ormoc, we coordinated with the Philippine Army so ‘yung goods na nanggagaling sa DSWD (Department of Social Welfare and Develepment), mayor ang nagpapatakbo. Pero ’yung mga galing sa private, sa NGOs (non-government organizations) ay bumabagsak sa Philippine Army katulong ang US Navy,” susog naman ni Richard.

Malaki rin ang pasasalamat ng mag-asawa sa US Marines dahil sa mga tulong na ginagawa nito sa ating bansa.

“Inaabot nila talaga ‘yung mga barangay doon sa mountains na until now wala pang dumarating na goods. Parang World War II, na nag-e-air drop sila,” kuwento pa ng TV host-politician.  

John Lloyd proud kay Angelica, gusto na ring sumabak sa Indie Film

Kamakailan ay nanalo si Angelica Panganiban bilang best actress sa Cinema One Originals Film Festival para sa pelikulang Ang Alamat ni China Doll.

Sobrang saya naman daw ni John Lloyd Cruz para sa karangalang natanggap ng kanyang kasintahan.

“Siyempre kahit hindi siya manalo, masayang-masaya na ako na natapos niya ang pelikula. Pinagdaanan niya kung ano ’yung journey ng paggawa ng indie movie kasi sobrang ibang-iba raw.

“Natutuwa ako kasi ako hindi ko pa nararanasan. Meron akong isang ginawa a long, long time ago pero hindi yata magkaka-count kasi one day lang ‘yun pero para sa kanya na naranasan niya ‘yung full length na indie movie do’n pa lang masayang-masaya na ako. What more pa kung nanalo siya,” nakangiting pahayag ni John Lloyd.

Wala raw problema sa aktor kung sakali mang gumawa siya ng isang indie film basta wala siyang masasagasaan na trabaho sa mga proyekto ng ABS-CBN.

“Ang lagi ko namang sinasabi na parang siyempre ’yung when you have a contract with the network, you have to prioritize sa schedule and all. Parang siyempre ’yung oras mo kailangan mo silang i-prioritize pero hindi ako sarado sa indie movie. Siyempre hindi mo naman puwedeng isara kahit kanino ang anumang bagay,” paliwanag ni John Lloyd. “Also I’m looking forward into sa mga bagong magiging kaibigan, mga bagong magiging katrabaho.” Reports from JAMES C. CANTOS

 

 

Show comments