MANILA, Philippines - Siksik at malamang episode na naman ang napanood ng avid followers ng late-night comedy talk show, What’s Up, Doods? ng TV5 nung Sabado ng gabi.
Maraming naaliw sa pagiÂging natural at straightforward ni Mutya Datul, ang reigning Miss Supranational, at hindi iilan lang ang nabighani at humanga sa husay at pagiging game ng sikat na Teng brothers, Jeron at Jeric, kasama ang ama nilang si dating basketball player Alvin Teng.
Winner din ang rare interview na ginawa ng batikang host na si Edu Manzano sa magkakapatid na Cojuangco – Mikee, Mai, at China – na malaki talaga ang pagkakaiba sa bawat isa.
Kung si Mikee, sumikat at nakilala bilang equestrienne, si Mai nama’y maÂtagumpay nang graphic designer at si China ay popular bilang chef.
Miyembro pala si Mikee ng international Olympics committee at malaking karangalan ang hatid niya sa bansa bilang isa sa youngest female members ng male-dominated group.
Si Mai naman, na nakapangasawa ng foreigner, nagtatrabaho para sa ilang top companies sa mundo. Sa ngayon, plano raw niyang mag-diversify at maÂkipag-partner sa isang college friend sa paggawa ng iba’t ibang mobile application.
Isa pa sa goals ni Mai ay ang gawing Pinoy ang mister niya, biro ni Edu.
Si China naman, chef ang kasalukuyang karelasyon at magpi-pitong taon na silang magkasama sa Disyembre.
Nakilala raw niya ang guy sa culinary school at katunayan ay naging teacher pa niya ito. Ang normal day para sa kanila ay mag-grocery at ipagluto sa bahay ang kanilang mga kaibigan at pamilya.
Puring-puri ni Edu ang Cojuangco sisters na nakita niyang lumaki. Saksi siya sa magandang relasyon ng magkakapatid na, “one of the closest I’ve ever seen.â€
Say ng sisters, dahil ito sa pagpapalaki ng istrikto nilang amang si dating Rep. Peping at adventurous na inang si Tingting Cojuangco.