Dapat sana ay pagbibigyan ni Councilor Cristina “Kring-Kring†Gonzales-Romualdez ang kahiliÂngan na mag-guest sa taping ng The Buzz ng Bayan at What’s Up Doods? noong nakaraang Sabado ng hapon pero kailangan niya itong kanselahin at the last minute dahil kailangan na niyang bumalik sa TacÂÂloban para tumulong sa kanyang mister na si Mayor Alfred Romualdez sa pagharap sa napakaraming problema ngayon ng Tacloban na siyang naging sentro ng dumaang super typhoon na Yolanda.
Lumuwas ng Maynila si Kring-Kring sa pamamagitan ng C130 para itagubilin ang kanilang dalawang anak ni Mayor Alfred na sina Sophia (14) at Diana (10) sa kanyang mga magulang na sina Jose Marie Gonzales at Rosario “ChaÂyong†Mallarky-GonzaÂles.
Ang mga bata ay traumatized sa kanilang naging karanasan sa bagyong Yolanda sa Tacloban na kamuntik nilang ikasawi. Sa Maynila lamang nakapaÂligo, nakapagbihis, at nakakain ng maayos ang mag-iina. Isa ang bahay nina Mayor Alfred at Kring-Kring ang na-washed out ng storm surge kaya wala silang na-save na gamit.
Kahit pagod at kulang sa tulog, damit, at pagkain, inuna pa rin ni Mayor Alfred na harapin ang kanyang obligasyon bilang alkalde ng sinalantang siyudad na nag-iwan ng maraming casualties at pagkasira ng buong siyudad at sa ibang bahagi ng Leyte at Central Visayas.
Mahirap man ang kinakaharap ngayon ni Mayor Alfred at iba pang mga local officials na naging biktima rin ng Yolanda, sama-sama nilang ibabangon ang Tacloban na isang progressive at bustling city bago ito sinalanta ng super typhoon.
Pork barrel scam natabunan ng bayanihan spirit
Nang manalanta ang bagyong Yolanda, pansamantalang natabunan ang pork barrel scam at maiinit na showbiz issues dahil naka-focus ang lahat sa mga biktima at mga lugar na sinalanta ng strongest typhoon ever to hit the Philippines.
Kahit ang panalo ni Nonito “The Filipino Flash†Donaire, Jr. at pag-uwi ng third runner-up title sa Miss Universe ni Ariella Arida ay hindi gaanong naÂbigyan ng attention. Hindi lamang ang mga Filipino all over the world kundi ang iba’t ibang bansa ay nakiramay at dumamay at patuloy na nagpapahatid ng mga tulong. Ang bayanihan spirit ay hindi lamang nakikita among Filipinos kundi maging ang ibang nationalities all over the world lalo na ang kilalang international celebrities na nagpakita ng concern at tulong para sa mga Filipino victim ng bagyo.
Kung ito’y magpapatuloy, madaling makakabaÂngon ang ating mga kababayan na sinalanta ng bagÂyo.
Bayan ni Boy Abunda hindi pa nahahatiran ng tulong
May mga natanggap din akong balita mula sa aming hometown ni Boy Abunda, ang Borongan City, Eastern Samar na nangangailangan din sila ng tulong doon dahil wala rin silang makain.
Ang Eastern Samar ay naka-depende rin sa TacÂloban City pagdating sa kalakalan kaya paralisado rin ang pagdating doon ng goods ganoon din sa ibang bahagi ng Eastern Samar na malaki rin ang iniÂwang damage ng bagyo.
Nakikiusap ang aming mga kaanak at kababaÂyan sa Borongan at ibang karatig lugar ng Eastern Samar, lalo na ang Guian at Hernani which was heaÂvily-damaged, ng agarang tulong at patuloy na pagdating ng relief goods sa nasabing mga lugar.
Mahigit isang linggo na ang nakakaraan pero maÂÂÂrami pa rin ang hindi inaabutan ng relief goods hangÂÂgang ngayon.
Umaasa kami na ito’y pinangangasiwaan ng aÂming kinatawan ng Eastern Samar na si Rep. Ben Evardone at gobernador ng Eastern Samar na si Gov. Conrado Nicart, Jr. Mayor naman ng BoroÂngan ang nakatatandang kapatid ni Boy na si Mayor Fe Abunda.
Richard first time kay Lauren
Napakasuwerte naman ng nakababatang kapaÂtid ni Miss World na si Megan Young na si Lauren Young dahil siya ang napili ng GMA Films para maging leading lady ni Richard Gutierrez sa bagong pelikula nitong pinamagatang Overtime na ididirek ni Wincy Ong.
Kung excited si Lauren na makatrabaho ang twin brother ni Raymond Gutierrez ganun din naman ang aktor mismo na first time makakatrabaho ang young actress.