^

PSN Showbiz

Mga anak ni Kring-Kring may trauma pa

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Dapat sana ay pagbibigyan ni Councilor Cristina “Kring-Kring” Gonzales-Romualdez ang kahili­ngan na mag-guest sa taping ng The Buzz ng Bayan at What’s Up Doods? noong nakaraang Sabado ng hapon pero kailangan niya itong kanselahin at the last minute dahil kailangan na niyang bumalik sa Tac­­loban para tumulong sa kanyang mister na si Mayor Alfred Romualdez sa pagharap sa napakaraming problema ngayon ng Tacloban na siyang naging sentro ng dumaang super typhoon na Yolanda.

Lumuwas ng Maynila si Kring-Kring sa pamamagitan ng C130 para itagubilin ang kanilang dalawang anak ni Mayor Alfred na sina Sophia (14) at Diana (10) sa kanyang mga magulang na sina Jose Marie Gonzales at Rosario “Cha­yong” Mallarky-Gonza­les.

Ang mga bata ay traumatized sa kanilang naging karanasan sa bagyong Yolanda sa Tacloban na kamuntik nilang ikasawi. Sa Maynila lamang nakapa­ligo, nakapagbihis, at nakakain ng maayos ang mag-iina. Isa ang bahay nina Mayor Alfred at Kring-Kring ang na-washed out ng storm surge kaya wala silang na-save na gamit.

Kahit pagod at kulang sa tulog, damit, at pagkain, inuna pa rin ni Mayor Alfred na harapin ang kanyang obligasyon bilang alkalde ng sinalantang siyudad na nag-iwan ng maraming casualties at pagkasira ng buong siyudad at sa ibang bahagi ng Leyte at Central Visayas.

Mahirap man ang kinakaharap ngayon ni Mayor Alfred at iba pang mga local officials na naging biktima rin ng Yolanda, sama-sama nilang ibabangon ang Tacloban na isang progressive at bustling city bago ito sinalanta ng super typhoon.

Pork barrel scam natabunan ng bayanihan spirit

Nang manalanta ang bagyong Yolanda, pansamantalang natabunan ang pork barrel scam at maiinit na showbiz issues dahil naka-focus ang lahat sa mga biktima at mga lugar na sinalanta ng strongest typhoon ever to hit the Philippines.

Kahit ang panalo ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. at pag-uwi ng third runner-up title sa Miss Universe ni Ariella Arida ay hindi gaanong na­bigyan ng attention. Hindi lamang ang mga Filipino all over the world kundi ang iba’t ibang bansa ay nakiramay at dumamay at patuloy na nagpapahatid ng mga tulong. Ang bayanihan spirit ay hindi lamang nakikita among Filipinos kundi maging ang ibang nationalities all over the world lalo na ang kilalang international celebrities na nagpakita ng concern at tulong para sa mga Filipino victim ng bagyo.

Kung ito’y magpapatuloy, madaling makakaba­ngon ang  ating mga kababayan na sinalanta ng bag­yo.

Bayan ni Boy Abunda hindi pa nahahatiran ng tulong

May mga natanggap din akong balita mula sa aming hometown ni Boy Abunda, ang Borongan City, Eastern Samar na nangangailangan din sila ng tulong doon dahil wala rin silang makain.

Ang Eastern Samar ay naka-depende rin sa Tac­loban City pagdating sa kalakalan kaya paralisado rin ang pagdating doon ng goods ganoon din sa ibang bahagi ng Eastern Samar na malaki rin ang ini­wang damage ng bagyo.

Nakikiusap ang aming mga kaanak at kababa­yan sa Borongan at ibang karatig lugar ng Eastern Samar, lalo na ang Guian at Hernani which was hea­vily-damaged, ng agarang tulong at patuloy na pagdating ng relief goods sa nasabing mga lugar.

Mahigit isang linggo na ang nakakaraan pero ma­­­rami pa rin ang hindi inaabutan ng relief goods hang­­gang ngayon. 

Umaasa kami na ito’y pinangangasiwaan ng a­ming kinatawan ng Eastern Samar na si Rep. Ben Evardone at gobernador ng Eastern Samar na si Gov. Conrado Nicart, Jr. Mayor naman ng Boro­ngan ang nakatatandang kapatid ni Boy na si Mayor Fe Abunda.

Richard first time kay Lauren

Napakasuwerte naman ng nakababatang kapa­tid ni Miss World na si Megan Young na si Lauren Young dahil siya ang napili ng GMA Films para maging leading lady ni Richard Gutierrez sa bagong pelikula nitong pinamagatang Overtime na ididirek ni Wincy Ong.

Kung excited si Lauren na makatrabaho ang twin brother ni Raymond Gutierrez ganun din naman ang aktor mismo na first time makakatrabaho ang young actress.

ANG EASTERN SAMAR

BOY ABUNDA

EASTERN SAMAR

KRING-KRING

MAYOR ALFRED

SHY

TACLOBAN

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with