Wala si Kris Aquino sa programa niyang Kris RealiTV kahapon. Napagod ito ng husto sa isang araw na pamamahagi ng tulong sa Concepcion, Iloilo kasama si Angel Locsin. Mag-uumaga na silang nakabalik kung kaya hindi na niya nagawang puntahan pa ang kanyang pang-umagang programa. Pansamantalang pumalit sa kanya sa show sina Kim Atienza, KC Concepcion, at BianÂca Gonzales.
Sayang at hindi sa TacÂloban lumanding si Kris. Mahigit 1,300 bags of goods ang ipinamaÂhaÂgi nila. Ewan kung toÂtoong piÂnagÂbawalan sila ng ABS-CBN na puÂÂmunta ng Tacloban dahil naÂgaÂgalit daw ang mga tao dun sa tagal ng pagdating ng tulong ng gobyerno kaya baka sila ang mapagdiskitahan kaya napilitan silang pumunta ng Concepcion, Iloilo.
Sa tulong ng PAL, na inanunsiyo ni Kris sa kanyang programa, ay gagastusan niya ng sarili niyang pera ang magagamit na gasolina, basta maipamahagi man lamang at hindi masayang ’yung mga tulong na dumating. Tumulong din kasi ang San Miguel Corporation.
Hindi na nakatiis si Kris na makitang nagtatambakan na sa ABS-CBN warehouse ang mga ipinanawagan niyang tulong mula sa mga kumpanya na binigyan niya ng kanyang endorsement. Hindi naman pumayag si Angel na hindi makasama sa biyahe dahil sa lahat ng mga nagdaang kalamidad sa bansa, personal siyang pumupunta sa mga lugar na nasasalanta at nagbibigay ng tulong.
Ryan hindi nagparaya kay Juday
Marami naman ang hindi matanggap ang pangyayaring ang mag-asawa pang sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ang magiging magkalaban at magbabanggaan tuwing Sabado ng gabi sa TV. May bagong programa si Ryan na eere sa GMA, ang Picture Picture na makakatapat ng Bet on Your Baby ng ABS-CBN na hino-host ni Juday at mas nauna nang ipinalabas. Hindi matanggap ng maraÂming manonood kung bakit kailangang pagtapatin ang dalawang programa kung puwede naman nilang mapanood ng pareho ang mga ito.
Kahit anong paliwanag ang sabihin ni Ryan na walang isyu ang pagtatapat nila ni Juday, malaÂking isyu naman para sa mga tagahanga nila ito na naniniwalang maaapektuhan silang dalawa kahit paano.
Sino man ang matalo sa kanila sa rating ay saÂsaÂma ang loob. Iniisip nila na puwede namang maiÂwasan ito kung talagang Ryan put his foot down and requested for another slot.
Kung bakit niya tinanggap ang head-on collision nilang mag-asawa ay hindi talaga maintindihan ng mga tagasubaybay nila.
Rayver, Matteo, at Joseph pare-parehong best actor
Malaking tagumpay nina Rayver Cruz, Matteo Guidicelli, at Joseph Marco ang matanghal na best actor para sa pelikula nilang Saturday Night Chills sa katatapos na Cinema One Originals Film Festival. Nanalo ang tatlo para sa Cinema One Current na ginastusan ng P1M ng mga nasa likod ng festival kumpara sa Cinema One Plus na nakakuha naman ng pondong P2M.
Si Vivian Velez ang napiling best actress para naÂman sa pelikulang Bendor (Cinema One Current). Sina Joel Torre (Kabisera), at Angelica PaÂngaÂniban (Alamat ni China Doll) ang best actor /actress para sa Cinema One Plus.
Pinakamasaya sa kanilang panalo ang trio nina Rayver, Matteo, at Joseph. First award nila ito at major pa.