PIK: Mahigit walong milyong piso ang nalikom ng Sunday All Stars (SAS) sa ginawang telethon ng Kapuso star at repacking na ipadadalang tulong sa mga nasalanta ng super typhoon Yolanda.
Pati pala ang talent fee ng mainstays ng SAS nung araw na iyon ay ibinigay din nila bilang dagdag na tulong, kaya masaya silang lahat na kahit paano ay may naibahagi naman sila para sa mga kababayan nating binagyo.
PAK: Dating sexy dancer/actress ang napabalitang nagtitinda ng mga gulay sa talipapa ang nakapayanam ng Startalk na isa sa major story na mapapanood sa darating na Sabado.
Inamin ng dating sexy actress na naghirap na siya pagkatapos niyang masangkot sa ilang iskandalo at nadawit pa ito sa isang drug case kaya matagal itong nawala.
Pero, sabi nito, kailangan niyang bumangon at tuloy pa rin ang buhay kaya tumulong daw ito sa mommy niya sa pagtitinda.
Pero nilinaw niyang hindi naman mga gulay ang tinitinda niya kundi bagoong na dini-deliver nila sa mga tindahan sa Novaliches.
“’Yung bagoong na ’yan, kasi before ’yung bayaw ko nagtitinda siya nun, siya mismo ang gumawaga sa bahay, nagpapadala kami ngayon sa groceries. Kaya siguro dun ako natsismis pero hindi naman ako nagtitinda sa palengke. Pero kung magtinda man ako kung sakali, hindi naman masama kasi marangal namang trabaho ’yan,†paliwang nitong dating sexy actress.
BOOM: Hindi pa rin sumasagot si Marjorie Barretto sa huling interview ni Claudine Barretto na gusto na sanang makipag-ayos sa kanya.
Nang lumabas ang interbyung iyon ni Claudine sa Startalk, sinubukan na naming hingan ng reaksiyon si Marjorie, pero hindi nga sumasagot.
Sabi naman kasi ni Claudine natatakot daw siyang maunang makipag-usap sa Ate Marjorie at baka hindi raw siya sagutin.
“Natatakot dahil ayokong ma-disappoint ako. Ayokong ma-reject, ayokong maano, pero as of two days ago until kagabi ganun ang pakiramdam ko, na sana lang kahit na makapag-usap kami,†mangiyak-ngiyak na pahayag ni Claudine.