Hindi naman kuwentong kutsero ang balita na biktima ng rape ang mga kababaihan sa Visayas. Sinasabi ko ito dahil mula sa Samar ang aking mga maid of honor at ka-text nila ang mga kamag-anak nila na biktima ng Typhoon Yolanda.
Ikinuwento ng mga maid of honor ko na pinapaalis sa kanilang bayan ang mga kababaihan para makaiwas sila sa pang-aabuso ng mga walang pusong lalake na sabik sa laman. Nagpadala nga ng financial help sa probinsiya ang aking mga maid of honor para makaalis sa Samar ang mga kamag-anak nila na babae.
Kanino ngayon ako maniniwala, sa mga trusted kasambahay ko o sa mga opisyal ng pamahalaan na nag-dialogue na kuwentong kutsero o gawa-gawa lang ang mga balita tungkol sa panggagahasa sa mga kababaihan na biktima ng bagsik ng Yolanda?
Punto ni Richard tama
Agree ako sa sinabi ni Richard Gomez na huwag nang paluwasin sa Maynila ang mga biktima ng Yolanda na walang kamag-anak na matutuluyan dahil baka magpakalat-kalat lamang sila sa lansangan tulad ng mga homeless na nakikita natin sa kalsada.
Trabaho na mapagkakitaan para dahan-dahan sila na makabangon ang dapat na ipagkaloob ng pamahalaan sa mga kababayan natin na kawawa. Umalis nga sila sa Tacloban para makatakas sa mahirap na pamumuhay, paano kung mas grabe ang mangyari sa kanila sa Maynila?
At sana, bago pasakayin ng C-130 ang mga survivor, tanungin muna kung saan ang destinasyon nila. Huwag basta magpasakay nang magpasakay para hindi na maulit ang nangyari na papunta sa Cebu City ang mga survivor pero nakarating sila sa Maynila dahil dito lumapag ang eroplano na sinakÂyan nila.
Anderson sinisimulan nang siraan
Nagsisimula na ang mga paninira kay Papa Anderson Cooper. Galing ang paninira mula sa mga tao na hindi pabor sa kanyang mga report.
Tinatawag nila na Pamela Anderson si Papa Anderson dahil sa sexual preference nito.
Dyuskoday, as if naman, affected si Papa Anderson eh hindi naman niya idine-deny ang pagiging gay?
Wala nang maisip na paninira ang mga basher ni Papa Anderson kaya pinepersonal nila ang mga banat sa bagong bayani ng mga Pinoy.
Kausap ko kahapon sa telepono ang aking anak na nakatira sa US. Ikinuwento niya sa akin na rejoicing ang mga Filipino at mga Filipino gay sa Amerika dahil sa concern na ipinakita ni Papa Anderson sa ating bayan. Nakahanda sila na ipagtanggol si Papa Anderson laban sa mga basher nito. Para sa kanila, walang ginawa na masama si Papa Anderson. Ibinalita lamang niya ang mga kaganapan na personal na nakita ng kanyang mga mata sa Tacloban city
Pagiging Ambassador to the Philippines ni Anderson, kuwentong kutsero
Ang tsismis na magiging ambassador si Papa Anderson ng US sa Pilipinas ang kuwentong kutsero dahil ito ang salat na salat sa katotohanan.
Produkto lamang ng imahinasyon ng mga Pinoy na kaligayahan na ang mang-goodtime ang tsismis na itatalaga ni Papa Barack Obama si Papa Anderson bilang ambassador.
Hindi dapat pinapaniwalaan ang lahat ng mga balita na nababasa sa social media. Bago maniwala, mag-research muna kung true or false ang tsismis para hindi makuryente.
At kung sakaling magkatotoo ang tsismis, welcome na welcome sa mga Pinoy na maging ambassador sa Pilipinas si Papa Anderson dahil sa pagmamahal na ipinamalas nito para sa ating bayan at sa mga Pilipino.