MANILA, Philippines - Bibistuhin ni Julius Babao ang mag-asawang ipina-padlock umano ang kanilang 15 anyos na anak sa kuwarto upang hindi sila maistorbo sa ginagawang pot sessions o paghithit ng droga sa programang Bistado ngayong Lunes, Nov. 18.
Nagsagawa ng surveillance operation ang Bistado kasama ang awtoridad sa sinasabing bahay na ginawa na ring drug den ng nasabing mag-asawa. Sa ginawang pagmamanman ay napag-alaÂmang bukod sa 15 anyos na dalagita ay mayroon pang ibang mga menor de edad doon na kasali naman sa pot sessions.
Sa gagawing paglusob ng grupo sa naturang bahay, maaaresto kaya ang mag-asawang may paÂkana ng ilegal na gawain? Anong parusa ang nagÂhihintay sa kanila?
Panoorin ang pagsisiwalat ni Julius Babao, ang inyong katuwang sa seguridad at proteksiyon ng pamilya ngayong Lunes ng 4:45 p.m. sa ABS-CBN.