MWWF mamimigay ng award

Inihayag na ng Movie Writers Welfare Foundation (MWWF) ang pagdaraos ng kanilang mga Gintong Palad Public Service Awards sa Nov. 20 sa One Esplanade sa Pasay City sa ganap na 7 p.m.

Ito’y ibinatay sa mga taong may busilak na puso at pagtulong sa kapwa na maaasahan lalo na kapag may kalamidad. Ang parangal ay para sa mga taong mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan gaya ng mga sumusunod: Government, Gov. Vilma Santos-Recto at Congressman Alfred Vargas; Business, Manny V. Pangilinan at Miguel Belmonte; Institution, Fr. Anton Pascual ng Caritas Manila, Boots Anson Roa (MOWELFUND), Networks, Mel Tiangco, Kapuso Foundation, Gina Lopez, Ban­tay Bata Foundation, Menchie Silvestre, Ala­gang Kapatid Foundation Inc., at Daniel Razon ng Kamanggagawa Foundation, Inc.; at Entertainment, Arnold Clavio, Ricky Reyes, Ar­nell Ignacio, Ara Mina, Dingdong Dantes, Ma­­rian Rivera, Isko Moreno, Diether Ocampo, Aga Muhlach, Robin Padilla, at Angel Locsin.

Special awardees ang mga taong malaki ang naitulong sa pagtatatag ng Movie Writers Welfare Foundation na kinabibilangan nina Gov. ER Ejercito, Atty. Ariel Inton, Wilson Tieng, Daniel Razon, Sen. Miguel Zubiri, at Sen. Jinggoy Estrada.

Itinatag ang MWWF noong 1998 hanggang sa ka­salukuyan na ang layunin ay mapangalagaan ang ka­lusugan ng entertainment press sa Pilipinas. Nagsasagawa ang grupo ng medical-dental mission sa pakikipagtulungan sa UNTV sa Kamaynilaan at karatig lalawigan.  Ang pamunuan ng Movie Writers Welfare Foundation ay ang mga sumusunod: Emy Abuan (presidente) Ed de Leon (bise), Pilar Mateo (secretary), Dennis Aguilar (treasurer), Gerry Ocampo (auditor), at Raymund Vargas at Virgie Balatico (board of directors).

Solenn may ginagawang kakaibang love story

Nagsusyuting na ang Mumbai Love na prodyus ng Capestone Pictures at iri-release ng Solar Entertainment. Ito’y tungkol sa dalawang nilalang mula sa dalawang magkaibigang daigdig, mula sa dalawang bansa at kultura na hahamakin ang lahat maging lahi man o age-old tradition matupad lang ang pag-iibigang tapat.

Paano kaya ang tunay na pag-ibig sa harap ng pagsunod sa lumang tradis­yon ng dalawang magkaibang kultura?

Tatampukan ang Mumbai Love nina Solenn Heussaff at Kiko Matos. Sa direksiyon ng multi-awarded na si Benito Bautista, malapit nang ipalabas sa inyong paboritong sinehan.

Show comments