Goma may patama sa DSWD

SEEN: Sinapawan ni Heart Evangelista ang mga host ng Startalk sa 18th anniversary show noong Sabado dahil sa kanyang tatlong beses na pagpapalit ng gown. 

Pinaratangan na show off at insensitive si Heart dahil hindi niya isinaalang-alang ang kasalukuyang kalagayan ng bansa at ang mga biktima ng Typhoon Yolanda.

SCENE: Ang tanong at suggestion ni Richard Gomez para sa DSWD: “Why does the DSWD allow the transport of people who are now homeless in Tacloban to Manila? What they can do is implement a cash for work program. Order these affected people to clean their respective homes and areas and the DSWD will pay them on a daily wage basis. This will speed up cleaning and people will have temporary employment. Something temporary but effective instead of throwing them to Manila where they don’t have work, worst, shelter.”

SEEN: Kung may Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na white T-shirts ang ABS-CBN, white T-shirts din na may tatak na Tibay ng Pusong Pilipino ang suot kahapon ng Kapuso stars sa three-hour telethon ng GMA 7.

SCENE: Ipinalabas agad kagabi sa ABS-CBN ang Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na, ang benefit concert para sa Typhoon Yolanda victims na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Sabado.  

SEEN: Sa Nov. 23 ang pilot telecast ng Picture Picture, ang game show ni Ryan Agoncillo sa GMA 7.

SCENE: Ang malalapit na kaibigan nila ng boyfriend na si Ben Wintle ang invited sa lunch kahapon sa La Cocina de Tita Moning.

Ipinagdiwang nina Iza Calzado at Ben ang kaarawan nito. 

SEEN: “Filipina news reader” ang description kay Korina Sanchez sa TV and newspaper reports sa ibang bansa tungkol sa mga naging puna niya kay Anderson Cooper.

 

Show comments