MANILA, Philippines - Nabiktima na naman ang ibang artista sa isang artikulong lumabas kahapon sa website na The Adobo Chronicles: Your Source of Up-to-date Unbelievable News! Naniwala sila na si CNN anchor/reporter na si Anderson Cooper daw ay na-appoint ni President Barack Obama as US Ambassador to the Philippines.
Maliwanag na isang parody ang nasabing article: “Washington, D.C. – President Barack Obama has nominated CNN’s Anderson Cooper to be the next U.S. ambassador to the Philippines. The White House announcement on the nomination came on the heels of Cooper’s live reporting on the aftermath of super typhoon Haiyan which has devastated many cities and towns in Central Philippines. He is the host of the popular CNN news program, AC 360. His reports from Tacloban, the worst hit among the cities in the province of Leyte, gained both praise and criticism,†ayon sa isang first paragraph ng artikulo na isa si Jason Abalos sa nag-post agad sa kanyang Instagram account.
Nadawit sina President Noynoy Aquino at Ms. Korina Sanchez sa nasabing parody na siyempre ay pinatulan nga ng iba.
Ganitung-ganito ’yung nangyari kay Sen. Jinggoy Estrada na nahuli raw sa airport sa Amerika dahil sa perang nakalagay sa boobs.
Sen. JV may concert, kikitain diretso sa mga biktima ng kalamidad at giyera
Isang concert ang naisip na paraan ni Sen. JV Ejercito para makalikom ng mas malaking halaga para matulungan ang maraming sinalanta ng sunud-sunod na hagupit ng kalamidad at giyera sa bansa. Titled: Aftershock, Concert for a Cause, gaganapin ito sa Nov. 30 San Juan Sports Arena sa San Juan City.
Pinagsama-sama sa Aftershock ang malalaking banda like True Faith, Shamrock, Mojofly, Orient Pearl, Nexxus, Alamid, The Youth, Soap Dish, at ang singer na sina Paolo Santos, Nyoy Volante, Luke Mejares, Filipinas Band, at makakasama rin nila sina Sheree, Karla Estrada, at marami pang iba.
Bago pa naganap ang hagupit ng bagyong Yolanda, nakaplano na raw ang nasabing concert pero dahil mas malaki ang winasak ng bagyo, mas pinalaki na ang concert at dinamihan daw ang artists na kasama para mas malaki rin ang maipon.
Paano nga ba magmahal ang tunay na lalaki?
Dalawang magkaibang kuwento ng pag-ibig ang magsisimula ngayong Lunes, Nov. 18, sa pag-uumpisa ng Korean drama na magpapakita kung paano magmahal ang tunay na lalaki sa When a Man Falls in Love at pagbabalik-telebisyon ng royal love story sa pagitan ng ordinaryong high school girl at isang crown prince sa Princess Hours.
Mag-iiba ang pananaw mo sa pag-ibig sa naiibang kuwento na pangungunahan ni Song Seung-Heon, na unang minahal ng mga Pilipino bilang Ethan sa My Princess.
Kilalanin si Anthony, isang lalaking hindi makuhang magmahal dahil sa kanyang hindi malimutang nakaraan. Masasadlak siya sa buhay ng pagiging isang gangster hanggang sa isang araw ay makikilala niya ang babaeng unang magpapatibok sa puso niya, si Mia (Shin Se-Kyung). Mai-in love siya kay Mia ngunit hindi lang siya ang lalaking maghahangad na makuha ang puso ng dalaga. Paano ipaglalaban ni Anthony ang nararamdaman kay Mia? Paano siya babaguhin ng pag-ibig?
Samantala, ang mala-fairy tale na kuwento nina Janelle (Yoon Eun-Hye) at Gian (Ju Ji-hoon) ay muling mapapanood para magpakilig tuwing hapon sa Kapamilya Gold.
Balikan ang makulay na buhay ni Janelle, isang ordinaryong high school student na ipagkakasundong ipakasal ng kanyang lolo sa prinsipeng si Gian. Tututol ang dalaga sa planong ito pero sa bandang huli ay mapipilitan na ring pumayag para na rin sa kapakanan ng kanyang pamilya na baon na baon sa utang.
Habang hinaharap niya ang biglaang responsibilidad ng pagiging isang prinsesa, mas makikilala ni Janelle ang tunay na pagkatao ni Gian na kinamumuhian niya sa eskuwela. Paano nila mahahanap ang pag-ibig sa kabila ng kanilang pagkakaiba? Ano ang mangyayari kapag pumagitna sa kanila ang pinsan ni Gian at second in line sa trono na si Troy?
Inawit at ni-revive nina Bugoy Drilon at Liezel Garcia ang Pag-ibig na Kaya para gamiting theme song ng Princess Hours.