MANILA, Philippines - Dahil sa naganap na mapaminsalang bagyo na tumama sa parte ng Visayas region, bumuo ang GMA Network ng isang telethon para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda, Tibay ng Pusong Pilipino na gaganapin ngayon Linggo (Nobyembre 17) simula alas-12 ng tanghali hanggang alas-3 ng hapon.
Magtutulung-tulungan ang mga artista ng GMA at News and Public Affairs personalities sa live fund raising event na ito. At ang lahat ng malilikom na donasyon ay mapupunta sa disaster relief operations ng GMA Kapuso Foundation at ng Yes Pinoy Foundation.
Mapapanood din si Julie Anne San Jose sa kanyang pagkanta ng Pagbangon, isang kantang binuo at nakalaan para magbigay ng pag-asa sa mga tao sa kabila ng pamiminsala ng bagyong Yolanda sa bansa. Maaari ding mai-download sa halagang 25 pesos ang kantang Pagbangon sa OPM2GO https://opm2go.com/albums/julie-anne-san-jose-pagbangon---a-project-for-the-survivors-of-typhoon-yolanda at ang lahat ng benta ay ipamamahagi ng GMA Kapuso Foundation sa mga taong nakaligtas sa bagyo. Mapapanuod ang opisyal na video ng Pagbagon sa Youtube <http://www.youtube.com/watch?v=0Pd6IsH-k1Q> at ang bawat “view†ay may katumbas na halaga na siya ring ido-donate sa mga naapektuhan. Ginawa ni Edward Mitra at nilapatan ng titik ni Joseph Saguid, ang Pagbangon ay maaaari nang i-download sa mga susunod na araw sa iTunes na puwede ring gawing ringback tone sa mga cell phones.