PIK: Tuluy-tuloy pa rin ang pangangalap ng mga tulong na ipadadala sa mga nasalanta ng Super Typhoon Yolanda.
Ngayong araw sa Sunday All Stars (SAS) ay hindi lang musical show ang mapapanood kundi magkakaroon ng telethon na inio-operate ng mga Kapuso star.
Pinamagatang Tibay ng Pusong Pilipino ang espesyal na episode na ito ng SAS na malugod na paghahandaan ng Kapuso talents.
PAK: Ipinagkibit-balikat na lang ni Geoff Eigenmann ang intrigang break na raw sila ni Carla Abellana.
Deretsahang nagpahayag si Geoff na walang makakapaghiwalay sa kanila ni Carla dahil maganda ang kanilang relasyon at nagkakaintindihan sila.
Suportado ni Carla ang pagpapayat ni Geoff para sa Adarna na magsisimula na bukas sa GMA Telebabad.
BOOM: Emotional si Claudine Barretto sa fans day na ginanap sa Centerstage nung isang araw lang dahil biglang na-miss daw niya ang Ate Marjorie niya.
Iyak daw siya nang iyak kamakailan lang dahil sa lahat na pinagdaanan ng pamilya, naalala raw niya ang kanyang Ate Marjorie na tingin daw niya ay misinformed lang at mali lang ang mga nakakarating sa kanya.
“I wish and pray na if merong chance na magkausap kami balang araw, gusto ko malaman niya na kung ano man ang nakakarating sa kanya ay hindi totoo,†nangingilid ang luhang pahayag ni Claudine.
Gusto lang niyang iparating sa ate niya na mahal na mahal daw niya ang mga anak nito at hindi totoo ang mga nababalitaan nito.
Kahit sa Kuya JJ daw niya ay mahal pa rin niya.
Base sa mga pahayag ni Claudine, mukhang si Gretchen Barretto lang ang nagpasira sa kanilang magkakapatid. Kaya sana magkakausap daw sila ng kanyang Ate Marjorie.
Sinilebreyt ni Claudine ang kanyang 21st anniversary sa Centerstage kasama ang loyal fans niya.