Hollywood actor Ian Somerhalder umiiyak din ang puso para sa Pilipinas

Nakakatuwa na ang buong showbiz industry ay nagtutulung-tulong para makapagbigay sa mga biktima ng bagyong Yolanda. May nagpapa-auction ng mga gamit, may nagpapa-garage sale, at may mga benefit show at concert.

Ngayong gabi, sa Smart Araneta Coliseum, ga­ga­win ang Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na an all-star benefit concert at ang ABS-CBN ang nasa likod nito.

Sa Nov. 20 ay sa Zirkoh, Tomas Morato, Quezon City naman ang benefit show na Sayaw Pilipinas featuring numerous Kapuso stars.

Preempted ang Sunday All Stars this Sunday para sa three-hour telethon na Tibay ng Pusong Pinoy at ang malilikom ay ibibigay sa GMA Kapuso Foundation.

Ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Ve­lasquez, bukod sa pagpapa-auction ng kanilang mga gamit, nag-record pa ng kanta dedicated sa ating mga kababayan entitled The Lord is Our Sa­viour.

Nabasa namin ang tweet ng Hollywood actor na si Ian Somerhalder na “My heart is weeping right now. To all of you in the Philippines, we’re coming to help. The destruction you are enduring has the world with you.”

Bianca mapapanood sa TV5 pero Kapuso pa rin

Sa drama series ng TV5 na Obsession sunod na mapapanood si Bianca King pero hindi siya umalis sa GMA 7, maayos siyang ipinagpaalam ng manager niyang si Ronnie Henares at GMA Artist Center na hinihiram ng TV5 at pinayagan.

Dapat may soap si Bianca sa Channel 7 sa first quarter ng 2014 pero nakiusap na sa second quarter na lang siya bigyan ng soap at uunahin ang series sa TV5. Kasama ni Bianca sa Obsession sina Marvin Agustin, Neri Naig, at Alwyn Uytingco, at sa direction ni Jay Altarejos.    

Direktor na nilayasan ang trabaho, nagparamdam na

Nakita namin sa isang party ang direktor na sinasabing nag-resign sa dinidireheng show dahil sa sinasabing “creative differences.” Nag-abroad muna ito para magpalamig pero nakabalik na pala ng bansa. Kung nasa right place lang kami, na-interview na namin ang direktor kaya lang sa isang birthday party namin siya nakita. Nahiya kaming mang-intriga.

Ang alam namin, may kontrata ang director sa network kung saan siya nagdidirek ng show kaya hindi ito basta-basta makakalipat ng ibang network. Saka hindi lang pagdidirek ang ginagawa niya sa network, may iba pa siyang trabaho.

Abangan natin ang mga susunod na pangyayari kung gugustuhin pa nitong magdirek o babalikan ang iniwang show.

Jestoni tawa lang nang tawa sa paglalandi ni Pokwang

Tawa nang tawa si Jestoni Alarcon sa biro ng press sa presscon ng Adarna na very open si Pokwang na gusto siya at sinabi ito sa presscon ng Call Center Girl kung saan nag-guest si Jestoni bilang love interest ng komedyana. May love scene raw sila na kinunan last week.

Walang exclusive contract sa alinmang network si Jestoni kaya puwede siya sa ABS-CBN, TV5, at GMA 7. Natutuwa siya at puro magaganda ang projects na ibinibigay sa kanya at nakakagawa pa siya ng pelikula gaya ng Star Cinema movie na showing sa Nov. 27.

Samantala, first fantaserye ni Jestoni ang Adarna at ang role niya ay nag-adopt kay Ada (Kylie Padilla) at nag-adopt din kay Janelle (Chynna Ortaleza). Sa Monday, Nov. 18, ang pilot ng fantaserye.

Show comments