Ayaw lang ipag-ingay aktres nakapangasawa ng anak ng isa sa mga pinakamayamang negosyante sa bansa
PIK: Patuloy ang pa-auction ni Regine Velasquez sa Sarap Diva ng mga mamahalin niyang gamit na ang nalilikom ay ipadadala sa mga nasalanta ng Super Typhoon Yolanda.
Nasa Sarap Diva niya ito ngayong umaga kasama ang Tacloban City Councilor Cristina Gonzales-Romualdez at si Love Añover na nakasaksi sa lupit ng bagyong Yolanda.
PAK: Naintriga kami sa kuwento ng isang kaibigan na napagkuwentuhan daw ng kaibigan niyang flight attendant na nakaranas ng kamalditahan ng isang sikat na aktres.
Maganda raw itong flight attendant na isa sa mga nag-asikaso sa eroplanong sinakyan nitong sikat na aktres.
Binanggit daw ni flight attendant na magkaapelÂyido sila ni sikat na aktres. Pero napahiya lang siya dahil narinig daw niyang bumulong si sikat na aktres na “eh ano ngayon kung ’yun din ang apelyido mo.â€
Hindi raw nakalimutan iyon ng magandang flight attendant pero ayaw na niyang magkimkim ng galit sa aktres.
Kasi naman iba na ngayon ang apelyido nitong sikat na aktres dahil siya pala ang napangasawa ng anak ng isa sa mga pinakamayamang negosÂyante ng bansa.
Hanggang ngayon ay hindi pa sinabi sa amin ng aming source kung sino ito at baka raw iparating ko pa kay aktres.
BOOM: Pinagbawalan ni Robin Padilla na pumunta si Kylie Padilla sa Tacloban City dahil magulo pa nga roon.
Isa pala si Kylie sa sobrang nalulungkot at apektado kapag nababalitaan ang mga kabaÂbaÂyan nating nagdurusa sa matinÂding bagsik ng dumaang bagyong Yolanda.
Ang dami na raw niyang gamit na napamigay at tumulong din siya sa mga nagpadala ng pagkain sa Leyte. Gustung-gusto raw sana niyang pumunta talaga at personal na tumulong pero pinagbawalan nga siya ng ama.
Bukod pa roon ay hindi rin daw niya puwedeng iwan ang sunud-sunod na taping niya sa Adarna.
- Latest