Restaurant ni Willie Revillame sarado na, for sale!

MANILA, Philippines - Nagbebenta pala ng ari-arian ang dating TV host na si Willie Revillame. Ang Willie’s Place raw sa may Quezon City ay up for sale na. Nauna raw itong inialok ng dating TV host kay Mother Lily Monteverde pero hindi raw binili ng Regal Films produ dahil binabaha ang kinatatayuan ng building somewhere in scout areas.

Wala pang balita ang source ko kung nabenta na. Pero definite siya na sarado na ang nasabing party place na expensive ang sinisilbing pagkain dahil sa sikat na chef na si Florabel Co-Yatco.

Baka naman kasi hindi na niya kayang i-ma­nage kaya gusto na niyang i-give up.

Anyway, may isa ring nagkuwento na hindi tinatao ang mall na pag-aari ng dating TV host.

Mabibilang mo raw ang mga nagpupunta. May nag-advice na kung gusto nilang tauhin ang nasabing lugar, maglagay daw sila ng supermarket.

Pero ayaw naman daw pumayag ng TV host dahil nga meron itong isyu na sobrang linis eh oras nga naman daw na magbukas sila ng supermarket, siyempre ang unang-unang nilang magiging costumer ay ang fans na nakapila sa studio ng ABS-CBN na katapat lang ng kanyang pag-aa­ring building.

Pag fans nga naman daw, hindi na gaanong sosyal. At saka kailangan daw nilang magbenta ng mas mababa kesa sa mga kalabang supermarket na nasa building lang ng ABS-CBN.

Kaya ngayon daw nagmu-mukhang showcase lang  ang nasabing building ayon sa source dahil naka-display doon ang mga collection ng Louis Vui­tton bags and expensive cars ng former TV host.

Startalk may debut presentation

Debut pala ngayon ng Startalk, ang nag-iisang showbiz talk show sa television ngayon na magkakaroon ng malaking ce­lebration kasama ang hosts na sina Joey De Leon, Butch Francisco, Lolit Solis, and Ricky Lo ngayong hapon.

At sa kanilang pagpasok sa ika-18 taon, nangako silang mas pasabog, latest and juiciest showbiz news and issues ang mapapanood sa kanilang programa.

Pagkatapos ng matinding bagyo ipakikita nila ngayong hapon ang mga artistang todo ang ginagawang pagtulong sa ating mga kababayan na itinumba ng Yolanda na patuloy na dumarami ang bilang.

Meron ding revelation ang dating sexy dancer-actress na sinasabing nasa state of depression at ang kuwento ng isang dating beauty queen tungkol sa naging panget na kinahinatnan ng kanyang pakikipag-relasyon.

Mapapanood din ang exclusive interview ni Tito Ricky sa cast ng pelikulang Hunger Games: Catching Fire led by Oscar winner Jennifer Lawrence.

At pasok pa rin ang Startalk’s trademark segments like T! TigbaXXX Authority and DaWho Rated X.

Kaya ‘wag palampasin ang episode nila ngayong hapon.

Banat ni Korina sinagot ni Cooper:‘I never said that’

Sinagot kahapon ng American journalist na si Anderson Cooper sa kanyang programang Anderson Cooper 360°  sa CNN ang mga sinabi Ms. Korina Sanchez sa kanyang programa sa DZMM patungkol sa unang report ng una sa CNN.

Maaalalang sinabi ni Ms. Korina sa kanyang programa sa DZMM, Rated Korina last Wednesday na “Itong si Anderson Cooper, sabi wala daw government presence sa Tacloban. Mukhang hindi niya alam ang sinasabi niya” na umani ng katakot-takot na batikos.

Hinamon ni Cooper si Korina kahapon na pumunta sa Tacloban. “Miss Sanchez is welcome to go there and I would I urge her to go there. I’m sure she has the means as she’s the wife of the Interior Secretary. Her husband’s a politician, I’m sure he can arrange her a flight,” sabi ni Cooper sa kanyang report na ang nire-refer ay si Sec. Mar Roxas.

“She’s also not a broadcaster, she happens to be the wife of the Interior minister who’s overseeing the relief effort on the ground.

“Miss Sanchez used to be under the mistaken impression that I said I saw no pre­sence of Philippine government on the ground in Tac­loban.

“I never said that,” sabi ng CNN anchor at saka ini-replay ang kanyang naunang report.

Nabanggit din niya nagkaroon na ng kulay pulitika ang report niya.

“If you’ve been watching the coverage over the past week, you know that we’ve been on the ground in Tacloban and elsewhere, trying to be accurate as possible.

“Accuracy is what we care most about here at CNN.

“We’re giving information that might actually help people on the ground, and help the relief effort in some way, to become more efficient.

“In our reporting, it seems, out here in the Philippines, it has become something about political issue at times.”

May binasa pa siyang isang quote ni Presidente Noynoy Aquino sa dyaryo na i-report naman daw ang lakas ng mga Pinoy na ginagawa naman daw niya.

At doon naging emotional si Cooper at sinabing sa lahat ng report niya naman ay kasama ang kakaibang katatagan ng mga Pinoy, kung saan actual niyang nakita kung gaano kalakas ang mga Pinoy na  natutulog katabi ng bangkay ng kanilang mga anak, o natutulog sa mga kalsada sa mga pinuntahan niyang lugar.

 â€œCan you imagine the strength it takes to be li­ving in a shack, to be living, sleeping on the streets next to the body of your dead children?

“Can you imagine that strength?

“I can’t, but I see that strength day in and day out here in the Philippines, and we honor them in every broadcast that we do,” pagtatapos ni Cooper na sa Maynila na nag-report kahapon kaya by this time ay malamang, nakabalik na siya ng New York.

Si Ms. Korina naman ay kasalukuyan ngayong nasa Ormoc at walang update kung tinanggap na niya ang hamon ni Cooper na pumunta sa Tacloban para makita ng personal ang mga nangyayari sa winasak ng super typhoon na Yolanda.

Teka ano kayang masasabi dito ni Samuel, ang reliable na assistant ni Ms. Korina sa radio booth niya sa DZMM?.

Show comments