Parent-kid reality show ni Jennylyn, inaabangan na ang mananalo

MANILA, Philippines - “Behind the success of every child is a proud parent.” Ito ang ipinapakita ng GMA Network sa kanilang reality talent search na Anak Ko ‘Yan! May mga batang edad pitong taong gulang hanggang 17 years old na ginabayan ng host na si Jennylyn Mercado, ng dance coach na si Rochelle Pangi­linan, at ng voice coach na si Dulce.

Ang malaking kaibahan nito sa ibang talent search na TV show ay ang pagbibigay ng importansiya at pagpapakita sa kakayahan din ng mga magulang ng kalahok na contestants.

 Sa ilang linggo sa ere ng Anak Ko ’Yan! ay na­ipalabas ang struggles at challenges ng mga magulang at kung paano nila hinahanda ang kanilang mga anak sa bawat performance.

Mula sa 13 contestants, nasa final five na ang programa ngayong Biyernes, Nov. 15, bago ang The Ryzza Mae Show sa GMA 7.

Sila ay sina Jenjen, sa tulong ni Mommy Sarah ay naipakita ang pagsusumikap niya na makapag-entertain kahit hirap sa wikang Filipino; si James, kasama si Mommy Gina, ay natutong makisalamuha sa mga Pinoy kahit may foreign upbringing; si Dranrie, na nakakuha ng encouragement mula kay Mommy Rochie, ay malaki na ang ipinagbago ng self-confidence; si Johnny ay nahasa pa ang acting talent sa suportang ibinigay ni Mommy Janet; at si Sean na laging nasa tabi lang si Mommy Flor ay naging mas masayahin at dedicated sa ginagawa.

Pero sino sa kanila ang mananalo sa kauna-unahang parent-kid- reality show ng Philippine TV? Malalaman na ngayong araw na ito!

 

Show comments