Matapos sabihing mali-mali ang report ng American journalist, Korina at Anderson hindi nag-abot!

Nagpunta kahapon si Mama Korina Sanchez sa Ormoc City dahil dito siya nag-uulat para sa TV Patrol.

Wondering ang mga mahihilig sa tsismis kung magkakaroon ng chance na magkasalubong ang landas nina Mama Koring at Papa Anderson Cooper na sinabihan niya na mali-mali ang mga balita sa CNN.

Malabong magtagpo ang dalawa dahil 106 kilo­meters ang distansiya ng Ormoc City sa Tacloban City na kinaroroonan ni Papa Anderson. Puwede silang magkita kung pupunta si Mama Koring sa Tacloban City o si Papa Anderson ang darayo sa Ormoc City.

Halos dalawang oras ang biyahe mula Tacloban City hanggang Ormoc at hindi pa sigurado na madaraanan na ang mga kalsada. Malayo ang possibility na magkita sila maliban na lang kung gagawa sila ng effort.

Sec. Mar tagapagsalita ni P-Noy sa foreign media

Ma at pa ang sagot ko sa mga nagtatanong kung kailan babalik si P-Noy sa Tacloban City. Baka sooner or later pero naroon naman si DILG Secretary Mar Roxas at ito ang humaharap at nakikipag-usap sa foreign media.

Si Papa Mar ang representative ni P-Noy at siya ang nagbibigay ng mga update tungkol sa rescue and relief operations sa Leyte.

Mga winasak ng super bagyo nakakaranas din daw ng pang-aabuso!

Mabuti naman, unti-unti nang nakakarating sa mga kababayan natin sa Leyte ang mga pagkain, tubig, at gamot na matagal na nilang pinakahihintay.

Malaking bagay na nakatutok ang foreign media sa rescue and relief operations dahil napapabilis ang kilos ng mga kinauukulan.

Nakabibilib ang CNN dahil hindi nila binibitawan ang ating bansa. Maghapon at magdamag ang coverage nila sa mga nangyayari sa Leyte, lalo na sa Tac­loban City.

Hindi nahihirapan ang mga foreign journalist sa pag-iinterbyu nila sa ating mga kababayan sa Leyte.

Kita n’yo naman, kahit ang mahihirap na tao ay marunong magsalita ng English. Nakaka-proud sila habang iniinterbyu ni Papa Anderson Cooper at ng ibang foreign journalists.

Nakalulungkot lang malaman na may mga kababayan tayo na mapagsamantala dahil inaabuso nila ang kahinaan ng kapwa Pilipino.

Sana naman walang katotohanan ang mga balita na may mga kababaihan na biktima ng panggagahasa sa Leyte. Sobrang pasakit na ’yon dahil namatayan na nga sila at nawalan ng mga tahanan, makararanas pa sila ng mga pang-aabuso.

Sanggol ipinangalan sa airport at bagyo

Hindi lamang isa ang sanggol na isinilang sa evacuation centers sa Tacloban City dahil ipina­nganak din ang baby boy na binigyan ng pangalan na Daniel Haiyan.

Napa-smile si Papa Anderson nang malaman nito ang name na ibinigay sa sanggol. Nanggaling ang pangalan ng bata mula sa international name ni Typhoon Yolanda na Haiyan at ang Daniel mula sa pangalan ng airport sa Tacloban City, ang Daniel Romualdez Airport.

Geoff pinalitaw ang pretty face

Natuloy ang presscon ng Adarna noong Miyerkules. Hindi puwedeng i-postpone ang presscon ng bagong telefantasya ng GMA 7 dahil sa Lunes na ang airing nito.

Ginulat ni Geoff Eigenmann ang mga reporter dahil pumayat pa siya kesa rati. Bumagay din sa kanya ang maigsing buhok dahil lumitaw ang pretty face niya.

Isa si Geoff sa tatlong leading men ni Kylie Padilla sa Adarna. Sina Mikael Daez at Benjamin Alves ’yung dalawa.

Malayung-malayo ang kuwento ng Adarna sa Mulawin pero taong ibon din ang papel na gina­gampanan ni Kylie.

Show comments