^

PSN Showbiz

Pelikula ni Nora 10 lang ang nanood nang ipalabas sa L. A.

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Kanselado ang  Belo Pink  Party ng Belo Medical Clinic sa Sabado bilang pakikisimpatiya sa mga biktima ni Typhoon Yolanda sa Leyte: “This is to inform friends, celebrities and endorsers that the very first Belo Pink Party scheduled on November 16 is postponed until further notice. Given the current situation brought about by Typhoon Yolanda, we feel it prudent to forego any celebration and be sensitive to the plight of our countrymen who are suffering at this very moment.”

SCENE: Magkakaroon ng silent auction ang Belo Medical Clinic sa Sabado at mga items mula sa celebrity endorsers ang kanilang ibebenta.

SEEN: Kinansela ni Kim Atienza ang presscon niya para sa Atienza Naturale’s Malunggay bilang pakikisimpatiya sa mga biktima ni Typhoon Yolanda.

SCENE: Ang pangarap ng Seen-Scene na makita si President Noynoy Aquino na pansamantalang mag-opisina sa Cebu o sa bayan na malapit sa Tacloban City upang malapit siya sa relief operations at hindi na pinagdududahan na may problema sa crisis management ang kanyang pamahalaan.

SEEN : “For transparency” ang sagot ni Richard Gomez sa  paglalagay niya sa kanyang Instagram account ng mga litrato ng mga tulong na natatanggap para sa mga mamamayan ng Ormoc: “We need to show the pics donated for transparency. Ayaw n’yo ng kurakot pero kapag ginawa ang dapat, ayaw n’yo pa rin? Kaya n’yo na bumili na walang gamit na pera? Puro daldal ang karamihan na hindi apektado!”

SCENE: Ang unedited message ng Thai actor na si Mario Maurer para sa Pilipinas: “To all my beloved Philippine’s citizens, I would like to share my concern for all of you on such tragic event. I’m keeping all of you in my prey for the quick recovering of your country, for the family members and everyone that effected from this event. I would like to pass you my condolence for everyones that their love ones had been killed in this tragic event. With love and care, Mario Maurer.”

SEEN: Paulit-ulit na ipinakikita sa CNN ang interviews nila kay Tacloban City Mayor Alfred Romualdez at sa asawa nito na si Cristina Gonzales.

SCENE: Sampung tao lamang ang nanood sa industry screening sa Los Angeles ng pelikula ni Nora Aunor na The Womb, ang award-winning movie ng direktor na si Brillante Mendoza.

ATIENZA NATURALE

BELO MEDICAL CLINIC

BELO PINK

BELO PINK PARTY

BRILLANTE MENDOZA

CRISTINA GONZALES

KIM ATIENZA

MARIO MAURER

TYPHOON YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with