Vina at Shaina, natensiyon nang husto sa lolang inabutan ng super typhoon

Kahapon sa Kris TV ay naging emosyonal ang magkapatid na Vina Morales at Shaina Magdayao dahil sa lola nilang nakasama na matapos ang ilang araw na wala silang komunikasyon dito dahil sa bagyong Yolanda.

Ipinanganak at lumaki sina Vina at Shaina sa Cebu pero nasa Tacloban ang ilan nilang mga kamag-anak. “Lola is with us now, and my uncle and my pamangkin. We are very happy pero sa nangyayari, hindi pa rin. Hindi ka puwedeng mag-rejoice at this time. But of course, everyone should be hopeful na makita nila ang pamilya nila,” pahayag ni Vina.

“She’s 92 (years old) kaya talagang kinakabahan kami. The first 24 hours, no contact at all. After a day saka kami nakatanggap ng word na buhay sila from a friend, pero wala pa ring communication kasi wala pa ring signal. Si Lola naka-wheelchair, nauubusan na ng medicine kaya lahat kami ay nagpa-panic. ‘Yung hip bones ay naoperahan so mahirap talaga. So ‘yung mga kababayan natin na nakakasakay ng C-130 ay madali sa kanila kasi they are still fit and healthy, pero si lola ay hindi. Kailangang i-wheelchair 8 kilometers away from the airport. Ang layo, kaya talagang nag-worry kami,” kuwento ni Shaina.

Ginawa raw ng buong pamilya nina Vina at Shaina na nakabase sa Maynila ang lahat upang masiguro na ligtas ang kanilang mga kamag-anak na nasa Tacloban. “Kasi sa mga ganyang pangyayari hindi mo na maisip, gusto mo lang ay mailabas sila doon at mabigyan ng kumportableng sitwasyon si lola. Kaya ‘yung transportation ay ginawa namin ‘yon,” pahayag ni Vina.

Malaki ang pasasalamat ng magkapatid sa lahat ng tumulong sa kanila upang mailigtas ang kanilang mga kamag-anak. “We are very thankful na okay na si lola, my nephew and my uncle, pero mahirap pa rin. Kung puwede lang salbahin sila lahat doon. Kaya nagpapasalamat kami sa lahat ng tumulong sa amin. Our prayers are with the family,” pahayag ni Shaina.

Samantala, tumatanggap na rin ngayon ang lahat ng branches ng Ystilo Salon na pag-aari nina Vina at Shaina ng in-kind donations para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda. Isang fashion show at charity concert din ang pinaplanong ida­os ni Vina kasama ang ilan pa niyang malalapit na kaibigan sa industriya. “’Yung mga Cebu designers at ako, doon ay magkakaroon kami ng 2-in-1 na event fashion show and a concert. We are still planning for Northern Cebu, maybe November 24. It’s a Sunday, sa Cebu kami magko-concert. Let’s support that,” paanyaya ni Vina. Reports from JAMES C. CANTOS

 

Show comments