Angel nagpapa-auction ng vintage car!

Isa lamang si Angel Locsin sa mga artista na pa­laging nasa frontline pagdating ng mga ka­la­midad sa bansa. Sa lahat ng bagyong nagdaan, an­dun siya to help. Kung hindi n’yo pa na­kakali­mu­t­an, nagawa pa ni­tong mag-arkila ng helicopter para ma­kapagdala ng tu­long, ng mga  relief goods sa pro­binsiya matapos mag­da­an ang isang napaka­lakas na bagyo. Pero wala na marahil ma­kakatalo pa sa layunin niyang makalikom ng pondo para sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda  sa Kabisayaan, lalo na sa Tacloban, Leyte.

Una  na siyang nagsabi ng kanyang la­­yu­nin na tumulong sa foundation ng ABS-CBN na pinanga­nga­si­wa­an ni Tina Monzon Palma na siyang na­ngunguna sa paglikom ng mga tulong at nagdadala nito sa mga biktima. Narun din si An­gel nang simulan sa prog­ra­ma ni Kris Aquino ang panga­ngalap din ng mga donasyon. Inio-auction niya o ipinagbibili ngayon ang isa sa mga koleksiyon niya ng vintage cars. Isa itong Chevrolet na ginawa nung hindi pa isinisilang ang maraming artista natin ngayon. May kamahalan ang halaga ng vintage car, pero hindi na ito mahalaga sa aktres. Layunin niya ay maibsan ang napaka­la­king halaga na kinakaila­ngan para makabangon ang mga probinsiya na dinaa­nan ng super typhoon na Yolanda.

Hindi nag-iisa si Angel sa kanyang la­yu­nin, si Anne Curtis ido-donate ang kikitain ng kanyang concert na Anne­bis­yosa No Other Concert sa  Doha, Qatar ngayon sa Nobyembre 15.

Si Kris Aquino kung napanood n’yo ka­­­hapon sa kanyang programang Kris RealiTV ay nagawang mahingan ang mga endorsements niya ng do­nas­yon.  Maraming kahon ng tubig, mga sabon, beauty soap, and detergent ang du­ma­­ting habang ume­ere ang programa niya. Ito ay bukod pa sa per­sonal na donasyon niyang P400,000. Pati ang Andok’s at Baliwag Lechon ay hindi nagpahui sa pagbibigay ng tulong.

Sharon Cuneta  for her part has donated P10M. Personal niya ito.

Traffic naman sa Examiner St. nung pumunta ako nung Lunes ng hapon para magdala ng kaun­ting tulong. Nakakataba ng puso na napakaraming tao ang nagbibigay ng kanilang donasyon. Hindi magkandau­ga­ga ang mga nag-iisyu ng mga resibo for both in kind and cash donations. Sa pilahan ng cash donation, na­ka­­ka-proud na kahit na siguro hu­ling sentimo na ng mga mahihirap at pambili na nila ng bigas at noodles ay idino-donate pa nila.

Kahit papaano raw ay may bahay pa silang inu­uwian at nakakakain pa, pero ‘yung tatanggap ng ka­nilang kakaunting tulong ay baka ni tubig ay walang mainom. O ‘di ba, nakaka-touch?

Richard nananawagan ng tulong sa kanilang lugar

Napanood ko si Richard Gomez na nagre-report ng kaganapan sa Ormoc. Nakita ang video nila ni Rep. Lucy Torres na naka-motor at naglilibot sa ka­nilang lugar. Nananawagan ito sa mga owtoridad na bigyan pansin din ang Ormoc dahil marami na rin ang nagugutom dito. Ang gasolina sa kanilang lugar ay ibinibenta ng P150/liter. Ito ang dapat masubaybayan at pagtuunan ng pansin ng DTI.

Natunton na rin ang mga lolo, lola, at mga kamag-anak ng mga Magdayao, Vina, and Shaina sa Cebu. Ligtas ang mga ito at nakatakdang pumunta ng Maynila.

Pokwang parang wala nang bukas kung umarte!

Malapit talaga ang loob ni Pokwang sa mga kasambahay. Ang pinanga­­nga­lagaan niya nang husto na anak niyang dalaga ay minsan ay napagbuhatan niya ng kamay dahil sa hindi magandang pakikitungo sa isa nilang  kasambay.Nung bata pa ito  ay nasampal niya  ito dahil narinig niyang sinagut-sagot nito ang isa nilang maid of honor.

Mangiyak-ngiyak si Pokwang kapag naririnig ang mga papuri na ibinibigay sa kanya ng mga kasamahan niya sa pelikulang Call Center Girl. Ayon kay John Sweet Lapus, parang last movie na niya ito dahilan sa galing na ipinamalas niya sa movie.

Show comments