^

PSN Showbiz

Raymond maiiwan sa Showbiz Police, ibang hosts hindi na regular!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

May tsikang magkakaroon ng mga pagbabago sa Showbiz Police, ang showbiz talk show ng TV5. Mababawasan na ang oras nito dahil from one hour ay gagawin na lang itong 30 minutes na para sa amin ay napakaiksi para sa isang showbiz news.

Ang pinakamalaking pagbabagong mangyayari, hindi na sabay-sabay na magho-host ang mga TV host dahil mag-a-alternate sila. Si Raymond Gutierrez lang daw ang every week mapapanood, the rest ay every other week na uupo.

Kaya ang isa sa mga host, kundi mapipigilan, magku-quit na lang, ang isa ay susubukang mag-host ng one month. Wala pa kaming balita sa magiging desisyon ng ibang hosts. Isa sa problema ng show ang time slot at hindi rin nakatulong na bago pa lang ang show ay nag-replay na.

Speaking of Raymond, siya ang napili ni Mr. Manny V. Pangilinan na mag-host ng Christmas party ng companies niya sa Hong Kong sa Dec. 5 to 6. Isang TV5 female talent ang makakasamang mag-host ni Raymond.

Wala naman sigurong conflict ang kanyang pag­ho-host sa HK sa shoot ng It Takes Gutz to be a Gutierrez. Two-part special ang nasabing reality show na mapapanood sa isang international channel.

John natahimik sa pang-aaway kay Mo

Walang nakapagtanong kay John “Sweet” Lapus sa presscon ng Call Center Girl kung inaway na niya si Mo Twister dahil nag-third runner up sa Miss Universe si Ariella Arida.

Sa araw ng coronation night, nag-tweet si Sweet ng “Manalo ka lang #Ara Arida, aawayin ko na din si djmotwister kahit love ko siya.”

Remember nagkaroon ng isyu si Mo at defen­ders ni Ara bago ang Miss Universe at marami ang na­galit sa nasa US sa TV and radio personality. Kaya nakapag-tweet ng ganun si Sweet. Ang gusto naming malaman ay kung tinotoo niya ang banta.

Anyway, masaya si Sweet na kasama siya sa cast ng Skylight Films dahil sa chance na maka­tra­baho ang cast lalo na sina Pokwang at Chokoleit na na-miss daw niya. Happy din siyang makasama sina Enchong Dee at Jessy Mendiola.

Sa direction ni Don Cuaresma, showing ang Call Center Girl sa Nov. 27 nationwide. Matawa, ma­iyak, at maka-relate sa pelikula!

ARA ARIDA

ARIELLA ARIDA

CALL CENTER GIRL

DON CUARESMA

ENCHONG DEE

HONG KONG

HOST

IT TAKES GUTZ

MISS UNIVERSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with