^

PSN Showbiz

Ex-husband ni Ruffa mag-i-invest sa ‘Pinas

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Okay na pala sina Ruffa Gutierrez at ex-husband niyang si Yilmaz Bektas. Ito ay kung ibabase sa sinabi niyang interesadong magprodyus ng pelikula rito ang kanyang dating asawa. Akala ko kasi estranged pa rin sila at nandun pa rin ang takot ni Ruffa sa kanyang ex-Turkish husband.

Pero kung ganyang sasabak na ito sa paggawa ng pelikulang lokal aba, eh, welcome siya. It spells work sa marami nating production people na walang trabaho ngayon.

MTRCB nakabantay sa coverage ng mga network sa winasak ng Yolanda

Dapat hindi na maalarma ang Movie and Te­le­vision Review and Classification Board (MTRCB) sa mga footage na lumalabas tungkol sa re­sulta ng pananalanta ng bagyong Yolanda. ’Yun namang ipinakikita at napanood ko ay nakakalungkot pero hindi naman nakakabaligtad ng sikmura. Ang gusto lamang siguro ng mga nagpapalabas ay maipaabot sa mga manonood ang lawak ng naging pinsala. Responsible naman tayo pagda­ting sa mga bagay na ganito kaya hindi masyadong graphic at walang intensyong makasira ng loob ng mga nakakapanood.

Hindi naman maaaring sanitized scenes na lamang ang makikita natin pero agree rin ako na tama na ’yung ganun ka-graphic lang, huwag nang dagdagan pa.

Simpleng pagdiriwang sa Pasko...

Sa darating na Pasko, sana magkaroon na lamang tayo ng simpleng pagdiriwang. Kung anuman ang matitipid nating halaga ay maaari nating ipagkaloob sa mga biktima ng Yolanda.

Huwag nating masyadong asahan ’yung mga tulong na ipinangako ng maraming bansa sa mundo. Baka matagalan pa ito. Kailangan na ng mga kababayan natin sa Kabisayaan ng pagkain, matitirhan, tubig, damit. Kailangan na ring mailibing ’yung maraming namatay.

Kapag may dumating na ayuda, salamat. Habang wala pa, tayu-tayo muna ang magtulungan.

Wala tayong hindi malalampasan kung sama-sama tayo.

Sharon bongga ang kontribusyon sa mga binagyo

Bongga naman talaga si Megastar Sharon Cuneta. Malayo ang aabutin ng P10M donasyon niya para sa mga biktima ni Yolanda. Kung sabagay, kung ako rin ang may ganun kalaking pera hindi ko rin ipagdadamot. Kaya lang barya-barya lang ako kaya pasensiya na ang mga inaabot.

Proud ako sa maraming taga-showbiz na kung anu-ano na ang ginagawa para makalikom ng pon­do. Ang daming nagga-garage sale. May nagbebenta, mga branded bags, shoes, hats, clothes, at kahit na anong mapapakinabangan ng mga nangangailangan.

Marami rin ang nagbibigay ng pera. Nanghinayang tuloy ako sa milyun-mil­yong pork barrel na nakurakot. Ang layo ng aabutin nun kapag ginamit sa mga kalamidad.

Hindi na tayo kailangan pang manghingi sa iba. Makakaahon tayo kahit paano.

KAILANGAN

KUNG

MEGASTAR SHARON CUNETA

MOVIE AND TE

PASKO

REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with