^

PSN Showbiz

Ariella nakabalik na!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Tinanggap ni Philippine STAR columnist at Ormoc City Representative Lucy Torres-Gomez (middle) ang P1-million check donation ng Angelo King Foundation Inc. (AKFI) mula kay Teddy Kingsu, president, para sa Operation Damayan, ang social arm of The Philippine STAR, Pilipino Star NGAYON at Pang-Masa. Ang donasyon ay ilalaan sa mga residente ng Ormoc na kasama sa hinagupit ng super typhoon na Yolanda.

Makikita rin sa larawan sa turnover  (mula kaliwa) sina Richard Gomez and AKFI trustees Sheila Kingsu at Joaquin Sy. 

SCENE: Ang pagkikita sa unang pagkakataon ng American bio­logical father ni Lotlot de Leon at ni Christopher de Leon, ang adoptive father ng aktres.

Naganap ang pagkikita ng dalawang ama ni Lotlot sa 17th birthday party ng kanyang anak na si Diego.

SEEN: Ipinakilala ni Lotlot de Leon kay Christopher de Leon ang Lebanese boyfriend niya na kasing katawan ng kanyang ex-husband na si Ramon Christopher.

SCENE: Ang Cesar Montano acting ni Rocco Nacino sa Akin Pa Rin ang Bukas.

Malakas ang impluwensiya kay Rocco ng co-star niya sa drama series ng GMA 7.

SEEN: Interrupted noong Lunes ang mga primetime news prog­ram ng live telecast ng deklarasyon ni President Noynoy Aquino ng state of national calamity na bunga ng pananalanta ng Typhoon Yolanda sa bansa.

SCENE: Hindi umere sa TV5 ang live telecast ng deklarasyon ni P-Noy ng state of national calamity dahil ipinagpatuloy ng Kapatid Network ang airing ng Let’s Ask Pilipinas, ang game show ni Aga Muhlach.

SEEN: Bumalik na kahapon sa Pilipinas mula sa Moscow, Russia si Miss Universe 3rd runner-up Ariella Arida.

AGA MUHLACH

AKIN PA RIN

ANG CESAR MONTANO

ANGELO KING FOUNDATION INC

ARIELLA ARIDA

ASK PILIPINAS

JOAQUIN SY

KAPATID NETWORK

LOTLOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with