Cess at Nick nagkausap na!

MANILA, Philippines - Sa pagpapatuloy ng kuwento ng Prinsesa ng Masa ng GMA 7.

Aawayin ni Kate si Cess sa cell phone. Gusto niyang tantanan na ang boyfriend niya kuno.

Samantala, ipapakita naman na wala pala tala­gang sakit si Tess. Nagkukunwari lamang siya upang tulungan siya ng anak at “maambunan ng gras­ya”.

Walang kaalam-alam si Nick na niloloko na siya ng ina. Hindi rin niya alam na iniisip-isip din pala siya ni Cess. Naalala ng dalaga ang mga pi­­­na­­gdaanan nila nang mga bata pa sila, lalo na noong naglalaro sila sa puno ng santol. Nang mag-jogging tuloy si Nick, gulat siyang makita si Cess na namimitas ng prutas mula sa puno ng santol.

Magkakausap nang maayos sina Cess at Nick. Maabutan pa tuloy sila ni Tess. Tuwang-tuwa ang ina ni Nick sa pagkakita kay Cess. Gusto niya na mag­katuluyan sina Cess at Nick. Natutuwa naman si Nick dahil magkabati na sila ni Cess. Kaya’t nang magkausap sina Nick at Luis tungkol kay Cess, natuwa siyang malaman na OK lang sa kapatid na makipag-date na si Cess sa ibang lalaking “makakapagpaligaya sa kanya”.

Boto naman si Tess na ligawan nga ni Nick si Cess.

Show comments