MANILA, Philippines - Ang pinakamalaking selebrasyon ng Pinoy music na maghahatid ng “Your Choice. Your Music†ay parating na sa pagganap ng MYX Mo! 2013 na hatid ng MYX, ang numero unong music channel sa bansa.
Sa isang importanteng taon para sa industriya ng musika, higit sa 40 ng mga pinakamahusay na music act ng ’Pinas ang dala ng MYX sa pagbuo ng lineup ng engrandeng music event. Kasama rito ang Wolfgang, RiverÂmaya, Parokya ni Edgar, Chicosci, Callalily, Moonstar88, Never the Strangers, Rico Blanco, Rocksteddy, Gloc 9, Karylle, at marami pang iba.
Para mapanood nang live ang MYX Mo! 2013, maaaring bumili ng tickets sa SM Ticket outlets at via online @ www.smtickets.com. Ang mga VIP ticket ay P300, Gold ay P150, at Silver ay P50. Ang proceeds ng MYX Mo! 2013 ay mapupunÂta sa Sagip Kapamilya campaign ng ABS-CBN FounÂdÂation para makatulong sa mga kababayang nasalanta ng Super Typhoon na Yolanda.
Magaganap ang MYX Mo! 2013 sa Martes (Nobyembre 12) sa SM Mall of Asia Grounds ng 6:00 p.m. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on lang sa www.myxph.com.