Kasal ni Toni nakasalalay sa Oscars

Sinasabi nga ni Toni Gonzaga na handa na siyang pakasal sa bf niyang si Paul Soriano, pero ito ay kapag nanalo ang ginawang movie nito sa Oscars, ang Transit. Eh alam naman natin na suwerte- su­wer­te lamang sa Oscars. Paano kapag minalas at hindi nanalo ang movie, walang kasalang magaganap?

I’m sure nagbibiro lang nito si Toni.

Pagkakasakit ni Vin wrong timing

Sayang naman at nataon na nagkasakit si Vin Abrenica, hindi tuloy siya nakasali sa concert ng kanyang kuya na si Aljur Abrenica last week.

Aba kung kailan naman kaarawan ng concert, saka siya tinamaan ng sakit.

Ang tagal-tagal nang sinasabi na kasali ito sa concert at wala namang pahiwatig na hindi ito pu­pwede.

Pero sakit ang kumapit sa Kapatid actor kaya wala tayong magagawa.

‘Wag nang idamay ang diyos’

Paano naman nagagawang idamay pa ni  Claudine Barretto ang Diyos sa away nilang magkaka­patid at mag-iina? Hindi ba siya nangingilabot? Sila na lang ang mag-away-away, pero huwag nang isama ang Panginoon at baka maparusahan lamang sila. Please lang.

Show comments