Pero kailangang magpahinga ng matagal: Ryzza Mae walang malalang sakit

PIK: Muling nag-shuffle ang mga members ng apat na team sa Sunday All Stars.

Iba na rin ang mga leader na kinabibilangan nina Mark Bautista sa Ligang iLike, Mark Herras sa Tweethearts, Rocco Nacino sa Tropang Trending, at si Kris Lawrence sa Instagang.            

PAK: Nagkagulo pala sa backstage ng concert ni Aljur Abrenica na Come and Get Me dahil nawalan ito ng pera habang nagpi-perform siya.

Halos P50,000 ang nawala sa kanya at walang nakaalam kung paano nawala at sino ang pinagdudahang kumuha.

Huli na lang niya nalaman na hindi pala dala ang kanyang pera kundi naiwan niya sa bahay.

Sa sobrang tensyon at taranta siguro sa kanyang concert, nawala sa isip niya na wala pala siyang dalang pera, at naiwan lang pala sa bahay ang dapat na dadalhin niyang pera.

Masayang-masaya siya kasi nung gabing iyon dahil sa successful niyang concert na dinaluhan ng mga taong malalapit sa kanya lalo na si Kylie Padilla.

BOOM: Ang daming nagtatanong sa amin kung ano ang sakit ni Ryzza Mae Dizon bakit napakatagal nitong nawala sa Eat Bulaga, at wala pa rin ang The Ryzza Mae Show.

Kung anu-anong sakit ang tini-text sa amin na ikinatakot namin ka­ya kinumpirma namin ito sa handler niya.

Nilinaw ng kampo ng child wonder na hindi malala ang sakit ng child wonder. Nilagnat lang at matagal na raw itong gumaling.

Nag-decide lang ang mga taga-Eat Bulaga na huwag munang papasukin para makapagpahinga ng mabuti ang bagets.

Kailangan naman kasi talaga ni Ryzza Mae nang pahinga dahil sa sunud-sunod na ginagawa nito.

Pero walang dapat ipag-alala ang mga supporter ni Ryzza Mae da­hil magaling na maga­ling na raw ang bata.

Show comments