^

PSN Showbiz

Alfred at Cristina napuruhan ng super bagyo, wala pang balita kung anong nangyari

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ang Leyte ang isa sa mga napuruhan ni Super Typhoon Yolanda at hanggang kahapon, walang komunikasyon sa Tacloban City, ang lugar na pinamumunuan ni Mayor Alfred Romualdez, ang asawa ni Cristina Gonzales.

Nag-aalala ang mga kamag-anak ng mga kababayan natin sa Tacloban dahil wala silang balita sa mga kaganapan doon. Nadagdagan ang kanilang tensyon nang mapanood nila sa TV ang report tungkol sa delubyo na hatid ni Yolanda.

Nakakapangilabot naman talaga ang video ng paghagupit ni Yolanda sa Tac­loban na napanood sa buong mundo. Malalaki ang mga alon mula sa dagat na nagdulot ng malalim na baha.

Malapit sa dagat ang bahay ng mag-asawang Alfred at Cristina kaya posibleng umalis din sila sa kanilang tahanan dahil sa pagtaas ng tubig baha.

Signal number 4 ang lakas ni Typhoon Yolanda. Isipin n’yo na lang kung gaano kalakas ang bagyo sa Tacloban dahil sa Metro Manila pa lang ay ramdam na ramdam ang napakalakas na hangin.

Bumuti na kahapon ang lagay ng panahon dahil nag-exit na si Yolanda sa Pilipinas pero nag-iwan siya ng malaking pinsala. Kawawa ang ating bayan na hindi na nawalan ng mga pagsubok. Ipagdasal natin na huwag nang masundan pa ang kalamidad para makabangon ang ating bayan.

GMA reporters dumanas ng lupit ng bagyo sa Leyte!

Nakakaiyak ang report ni Jiggy Manicad ng GMA 7 tungkol sa mga kaganapan sa Leyte. Bato na lang ang puso ng hindi maaapektuhan ng video ng isang ama na karga-karga ang kanyang namatay na anak habang lumilikas sila ng pamilya niya mula sa evacuation center na napuruhan ng malakas na bagyo.

Nakakatakot ang karanasan ni Love Añover at ng GMA 7 news crew sa Leyte. Sumilong sila sa loob ng isang simbahan na hindi rin pala ligtas. Natuklap ang mga bubong ng simbahan dahil sa ha­ngin na galit na galit. ’Yung hotel na tinutuluyan nina Jiggy, nag-crack ang pader dahil pa rin sa mala­kas na hangin. Ang mga puno ng niyog ay nahati sa gitna.

Depressing ang news na marami ang na­matay dahil inanod ng baha. Kung mahina-hina ang loob ninyo, hindi n’yo kakayanin ang nakakaiyak na report ni Jiggy.

Ara nakakuha ng inspirasyon kay Yolanda

Iniaalay ni Ara Arida sa mga Pilipino ang laban niya ngayon sa Miss Universe. Kahit nasa Russia si Ara, nakakarating sa kanya ang mga nangyayari sa Pilipinas.

Gumawa si Ara ng video bilang suporta sa mga biktima ng malakas na bagyo. Hiningan niya ng mga video message ang mga kapwa niya kandidata sa Miss Universe.

Ang bagong pagsubok na naranasan ng mga Pinoy ang gagamitin ni Ara na inspirasyon para mapansin at magkaroon siya ng puwesto sa international beauty contest na sinalihan.

Gabby raraket sa Canada habang bakasyon

Pupunta sa Amerika, kasama ang kanyang pamilya para magbakasyon, ang press release ni Gabby Concepcion. Totoo naman ang pralala ni Gabby pero kulang ang detalye.

Hindi na niya sinabi sa mga reporter na pupunta siya sa Canada para sa isang raket. Hitting two birds with one stone ang pagpunta ni Gabby sa ibang bansa.

Three weeks na magbabakasyon sa US si Gabby at ang kanyang pamilya. Hindi siya puwedeng magtagal doon dahil aapir siya sa premiere night ng When the Love is Gone sa Nov. 26.

 

vuukle comment

ARA ARIDA

CRISTINA GONZALES

DAHIL

GABBY CONCEPCION

JIGGY MANICAD

LEYTE

MISS UNIVERSE

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with