^

PSN Showbiz

Ted Failon naranasan ang delubyo: Ipinalabas sa TV parang tsunami!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakakaiyak ang mga napapanood natin sa TV nga­yon. Lalo na ‘yung report ni Ted Failon kahapon habang nagkakaroon ng telethon ang ABS-CBN.

Binanggit niya na naglulutangan sa dalampasigan ng Tacloban ang mga bangkay na hindi pa nakukuha hanggang kahapon. Maging sa mga kalsada raw ay nagkalat ang mga bangkay, matanda at mga bata. May isang eskuwelahan na ginawang evacuation center pero nilamon ng dagat kaya ang mga nag-evacuate hindi nakaligtas kung saan nakita ni Ted ang mga namatay.

Hindi pa alam kung ilan ang ek­saktong namatay pero sabi kahapon ay mahigit 100 na raw at kung magkano ang napinsala hindi lang sa Tacloban kundi maging sa malaking bahagi ng Visayas.

Kung kailan naman magpa-Pas­ko, saka naman humagupit ang super typhoon na Yolanda.

Actually, parang hindi bagyo ang humagupit. Parang tsunami tulad sa Japan. Sa mga videos ng co­verage ni Mr. Failon, nakakapanlumo.

Pati airport doon, na-wash out. At ang isang ma­laking mall, nawasak din pero nalimas ang laman dahil nag-unahan na ang mga tao na kumuha ng mga nasa loob na maiintindihan natin dahil kung wala na nga naman silang makain. Ganun katindi ang hagupit ni Yolanda na nakalayas na ng bansa.

Ang reporter ng ABS-CBN na si Atom Aurollo, tumulong na rin sa mga nagre-rescue.

Hindi pa nga nakakabangon ang Bohol sa matin­ding lindol, at ang Zamboanga sa giyerang nangyari sa kanilang probinsiya, bumirada naman ang mala­kas na bagyo.

Kaya naman abalang-abala ang maraming artista sa panawagan sa kanilang mga fans na tumulong at magdasal para sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda.

In fairness, madali sa kanilang manghingi ng tulong dahil sa social networking sites.

Si Congresswoman Lucy Torres, ay nanawagan din na kailangan nila ng tulong. “I need help please for Ormoc and the other municipalities  the 4th District of Leyte. So many are homeless. Even evacuation centers are damaged. Needed immediately are : tents, blankets, drinking water. Please call : Yeyey – 0917-8211322 and Cecil – 0922-8491799.”

Kasamang lumipad ni Ms. Lucy sa Ormoc ang hubby niyang si Richard Gomez.

Marami agad rumesponde sa panawagan ni Lucy. Si Kris Aquino at nagbigay agad ng P400,000.

Anyway, sana nga magkaroon ng isang pa-concert o fund raising ang buong showbiz na ang kikitain ay mapupunta sa mga biktima ng mga kalamidad sa ating bansa.

Isang event na walang bayad ang mga artista at magsasama-sama ang lahat ng major channels at sila ang ma­ngu­nguna sa pagdo-donate. Sigura­dong mas ma­laki ang kikitain noon kesa sa kampanya nila sa social media.

Tunay na kahalagahan ng Pasko, gugunitain ng GMA Network

 Sasariwain ng GMA Network ang tunay ng diwa ng Kapaskuhan sa pamamagitan ng Sundan Natin Ang Bituin Pabalik sa Kanyang Piling Christmas campaign na unang matutunghayan ngayong Lunes, November 11 sa 24 Oras.

Tampok ang mga Entertainment at News and Public Affairs personalities ng GMA, babalikan ng music video ang gabi ng kapanganakan ni Hesukristo na siyang pinakamahalagang Regalo sa sangkatauhan. 

“At the heart of the Christmas celebration is God’s gift to us, and that is the birth of Jesus Christ,” pahayag ni GMA Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon. “Through this campaign, we hope to enjoin every Kapuso to rejoice in this most precious and significant show of love ever bestowed on mankind,” dagdag niya.

Sa pagsasadula ng Nativity scene, tatanawin ng mga Kapuso personalities ang liwanag na sumisimbolo sa tala ng Bethlehem na nagsisilbing paalala na ang sayang handog ng Kapaskuhan ay mula sa Diyos at sa pagpapalang hatid Niya.

 â€œIn the middle of the holiday rush and festivities, we hope that GMA, through this campaign, moves us to take pause and be reminded of the real reason why we celebrate Christmas. We wish to inspire every Kapuso to take that meaningful journey with us to our Lord Jesus in the manger,” saad naman ni Gilberto Duavit Jr., GMA Network President and COO.

Ang jingle na pinamagatang, Ang Tunay na Regalo ng Pasko ay inawit ng Philippine Sandolphon Singers, na binubuo ng mga alumni ng UP Concert Chorus, na mahigit dalawang dekada nang nagsisilbi sa EDSA Shrine.

Ang orihinal na jingle ay mula kina Brian James Camaya (Lyricist), Edward Mitra (Composer), Gino Torres (Vocal Arranger), Philippine Sandalphon Singers (Vocals), Weena De Leon (Mixer) at Gideon Purugganan (Recording Specialist).                                                                

ANG TUNAY

ATOM AUROLLO

BRIAN JAMES CAMAYA

CONCERT CHORUS

KAPUSO

SHY

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with