^

PSN Showbiz

Ruffa at Richard hindi pa rin nagpapatali sa mga network

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Since libre na ang magkakapatid na sina Ruffa, Richard at Raymond Gu­tier­rez, naging posible ang pagsasama-sama ng buong pamilya kasama ang mga magulang nila sina Annabelle Rama at Eddie sa isang kakaibang family reality show, ang It Takes Gutz to be A Gutierrez, na matutunghayan in 2014.

Makakasama rin ang ibang mga kapatid nilang sina Rocky ,Elvis at Ritchie Paul.  Ang nasabing family reality show ay ididirek ng U.S. based Filipino director na si Michael Carandang.

Open book ang buhay ng mga Gutierrez pati ang mga kontrobersiyang kanilang kinasangkutan noon pero ang hindi alam ng publiko ay kung paano sila behind the cameras laluna kung sila’y magkakasama bilang isang pamilya.

Tutukan mga cameras sa pamilya Gutierrez para ma-capture even their unguarded moments.

Since co-producer ang mga Gutierrez sa two-part family reality special, sila man ay naniniwala na no-holds barred ang kailangan nilang ipakita sa  mga manonood.

Pare-parehong excited ang Gutierrez family ganundin ang director-producer na si Carandang sa kanilang bagong proyekto na first time mangyayari on Phili­p­pine television.

Samantala, non-committal pa rin sina Ruffa at Richard kung saang TV network sila lilipat habang si Raymond naman ay may non-exclusive contract with TV5 bilang isa sa mga hosts ng talk show na Showbiz Police.

John Regala nakakabangon sa pagkalulong sa droga

Natutuwa kami at aktibong muli ang mahusay na actor na si John Regala matapos itong malulong sa droga, mawalan ng career, talikuran ng kanyang mga mahal sa buhay at mawala ang mga properties na kanyang naipundar nung siya’y nasa prime pa ng kanyang career.  Talagang sinira ng kanyang masamang bisyo ang magandang takbo noon ng kanyang career.

Hindi ikinakaila ni John na minsan din niyang plinanong wakasan ang kanyang buhay pero alam niyang may misyon pa siyang dapat gampanan kaya hindi nagtagumpay.

Ang dalawang tao na tumulong kay John na muling makabangon ay sina Rep. Manny Pacquiao at Laguna Gov. E.R. Ejercito kaya ganoon na lamang ang pasasalamat ng actor sa dalawa niyang savior.

Muling binalikan ni John ang kanyang relasyon sa Diyos at unti-unti na naman siyang nakakabangon ngayon dahil hindi na rin siya halos nawawalan ng trabaho.

Isa si John sa maraming kilalang celebrities na nagumon sa ipinagbabawal na droga at nasira hindi lamang ang kanilang karera kundi maging ang kanilang buhay.

Ang isa pang self-confessed drug dependent (for 16 years) noon ay ang dating model-turned actor na si Lito Gruet na napariwara rin ang buhay dahil sa kanyang pagkagumon sa ipinagbabawal ng gamot. Pero unti-unti ring naka-recover si Lito nang siya’y magpa-rehab at tuluyang tinalikuran ang kanyang masamang bisyo.

Si Lito ay naka-base na ngayon sa Hong Kong kasama ang misis niyang si Stella Romero, kapatid ng aktres na si Chanda Romero.

Marianne Dela Riva, may ambulance company sa America

Masaya na sa New Jersey, USA ang dating aktres na si Marianne  de la Riva na isa sa nagtatag­lay noon ng may pinakamagandang mukha. Halos walong taon nang naka-base si Marian(ne) sa New Jersey kasama ang kanyang asawang doctor na si Dr. Oscar Ortiz.

Ang kanyang dalawang anak sa dati niyang mister na si Ronald Corveau na sina Louie at Fenella ay pareho nang may asawa. 

Ayon kay Marianne, plain housewife lamang daw ang kanyang naging papel sa first 5 years niya sa Ame­rika pero ngayon ay may bagong career siya magmula nang mag-put up ang kanyang mister at mga kapatid nito ng ambulance company.

Sa kanilang office, si Marianne ang in-charge sa ex­ternal affairs, public relations at scheduling at masaya umano siya sa kanyang ginagawa dahil bukod sa nakakatulong siya sa negosyo ng kanyang mister at mga kapatid nito, nagi-enjoy din siya.

Marianne is best remembered bilang si Luisa ng  Gulong ng Palad, ang longest-running TV soap ope­ra na tumagal sa ere ng walong taon.  Ang una niyang husband na si Ronald Corveau ang gumanap sa papel na Carding at si Pepeng naman si Romnick Sarmienta. Naging paborito ring leading-lady si Marianne ng mga action stars na pinangunahan ng action king na si FPJ.

A GUTIERREZ

ANNABELLE RAMA

CHANDA ROMERO

JOHN REGALA

KANYANG

NEW JERSEY

RONALD CORVEAU

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with