Seen : Nag-sorry sa PAGASA ang nagpapakontrobersiyal at hindi kasikatan na DJ na si Rico Robles dahil sa kanyang stupid at hindi pinag-isipan na tweet na “Dear PAGASA,we understand that thers a storm coming. pero t--g-i-- naman dont report it like its the end of the world, we are all scared.â€
Scene : Ang apology ni Rico Robles : Dear dost_pagasa, ako po ay humihingi ng sorry po sa tweet ko kahapon, dahil sa kakulangan ko ng kaalaman ukol sa Yolanda, nw i knw.â€
Seen : Pansamantalang natabunan ng imbestigasyon ng mga senador kay Janet Lim-Napoles ang kontrobersiya ng interview ni Arnold Clavio kay Atty. Alfredo Villamor.
May koneksiyon ang isyu dahil abogado ni Napoles si Villamor at masidhi ang interes ni Clavio sa pork barrel scam investigation na kinasasangkutan ni Napoles.
Scene : Binabatikos pa rin si Arnold Clavio sa kabila ng paghingi niya ng paumanhin.
Naka-private ang Instagram account ni Arnold at gumagamit siya ng ibang pangalan .
Seen : Hindi nakarating si Wenn Deramas sa presscon ng When The Love Is Gone. Si Wenn ang creative producer ng pelikula.
Scene : Ang taping kahapon ni Michael V. para sa Killer Karaoke, ang game show niya sa TV5.
Ginanap ang taping ng Killer Karaoke sa APT Studio sa Cainta, Rizal.
Seen : Nanalanta si Typhoon Yoling sa Luzon noong November 1970 kaya mali ang impormasyon na ibinigay ni Jim Paredes: In the 60s, we had Typhoon Yoling which was very destructive. Now it is Yolanda. Notice the similarity of the names.
Scene : Ang taimtim na dasal ni Rich Asuncion na makaligtas sa kapahamakan ang kanyang pamilya sa Bohol na nakaranas ng malakas na lindol noong nakaraang buwan at ng malakas na bagyo kahapon.