Nikki totodo na sa pagpapa-sexy ‘gaganti’ sa ginawa ni Billy

Kapansin-pansin ang bagong hubog ng katawan ngayon ni Nikki Gil. Marami ang nagsasabing nagpaseksi raw talaga ang aktres mula nang magkahiwalay sila ni Billy Crawford kamakailan. “Lahat naman ng babae kapag may pinagdaanan, it brings out a certain courage and strength and a certain drive to better yourself and I think this is just that. I’m more confident, because nga meron kang pinagdaanan, nagka-extra courage and extra strength to do everything in all areas in your life,” makahulugang pahayag ni Nikki.

Ano kaya ang reaksiyon ng aktres tungkol sa napababalitang pagkakaroon diumano ng espesyal na ugnayan nina Billy at Coleen Garcia? “You know it’s  really none of my business ‘yan. Parang at this point kanila na ‘yun, hindi ko na issue ‘yun. What I can discuss is what I went trough, that is all that I own, what I went through, how I survived it, my learnings from it for the next time, that’s all that I have. But you know, whatever’s coming out is none of my business,” paliwanag ng aktres.

Ngayon ay nananatili raw masaya si Nikki sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan sa dating kasintahan. “Of course I am not saying it to convince myself that I am. Siyempre I think I am a nurturing person and coming from a five-year relationship. I’m used to being half of a couple and taking care of a person, of course there’s that. But it’s the feeling of being a partner that I miss, not that particular season in my life. I am enjoying being single, I like going out, I like dating, fixing up and dating, nae-enjoy ko siya,” giit ng dalaga.    

JC blessed na blessed ang pakiramdam sa request ni Vice na makasama sa pelikula

Masayang-masaya si JC De Vera dahil makagagawa na siya ng pelikula sa Star Cinema sa kauna-unahang pagkakataon. Malaking karangalan daw para sa aktor nang hilingin ni Vice Ganda na isama siya sa pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy na isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival. “Very grateful ako, wala akong ibang masasabi sa kanya (Vice Ganda). Very professional, tapos very accommodating at hindi ako nakaramdam ng pressure sa kanya kasi parang ang gaan-gaan ng trabaho ‘pag siya ‘yung kasama,” bungad ni JC.

“’Yun nga sa pagkakakuha niya sa akin, ako very thankful dahil bihira ‘yun kay Vice eh. Nasabi nga nila na nagre-request daw ng gano’n. So ako grabe, blessed ako na gano’n si Vice sa akin and in return kung ano ‘yung kailangan niyang trabaho sa akin ‘yun ang ibibigay ko,” dagdag pa ng aktor.

Ayon pa kay JC ay ito rin daw ang kanyang kauna-unahang comedy film project na gagawin.

Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments