^

PSN Showbiz

Visa sa HK makaka-hassle sa mga artistang nagtatago ng relasyon

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nakakalungkot naman kung matutuloy ang desisyon ng HK government na kailangan na mag-apply ng visa ang mga Pinoy na gustong pumunta at magbakasyon sa kanilang bansa.

Wish ko lang, maayos na ang problema sa pagitan ng Philippine government at HK government dahil apektado ang mga Pinoy kapag natuloy ang plano.

Paano na ang mga bagets na gustong mamasyal sa HK Disneyland at ang mga Pinoy na nagtatrabaho sa HK?  Paano na ang mga artista na ginagamit ang HK bilang  sikretong tagpuan para hindi mabuking ang  kanilang mga ipinagbabawal na relasyon?

Isa pa naman ang HK sa mga lugar na  type ko na pinupuntahan. Isipin n’yo na lang ang abala kung kailangan pa ng visa para makapasok sa HK. Bukod sa abala, hindi pa sigurado kung mabibigyan ka ng visa at ito ay dahil lamang sa Manila hostage taking incident na nangyari noong 2010.

Concert ni Erik Santos muntik mahagip ni Yolanda

Malaki ang dapat ipagpasalamat ni Erik Santos at ng kanyang fans dahil inaasahan na lalabas nga­yong hapon sa Philippine area of responsibility ang super typhoon na si Yolanda.

Isipin n’yo na lang kung hindi agad nag-babu si Yolanda, tiyak na affected ang 10th anniversary concert ni Erik sa PICC Plenary Hall, ang inTENse.

Concerned ako sa anniversary concert ni Erik dahil ang Bosom Buddies ang beneficiary ng inTENse. Ang Bosom Buddies ang foundation ng aking friend na si Pinky Tobiano na tumutulong sa mga breast cancer victim. Advocacy ni Mama Pinky na tulungan ang mga kababaihan na may breast cancer pero can’t afford na magpagamot dahil sa kanilang kahirapan.

Breast cancer survivor si Mama Pinky at ang kanyang ina kaya alam nila ang pakiramdam ng isang babae na may ganoong karamdaman.

Wish ko na maging successful ang concert ni Erik para lalong maraming matulungan si Mama Pinky at ang Bosom Buddies.

Pagkapanalo kung saka-sakali ni Ariella magiging pangontra sa malalaking problema ng bansa

Bukas na pala ang coronation night ng Miss Universe 2013 (November 10 ng umaga sa Pilipinas, November 9 ng gabi sa Moscow, Russia).

Sana nga, manalo si Ara Arida para magkaroon naman ng good news sa Pilipinas, hindi lamang puro tungkol sa super typhoon at pork barrel scam.

Nagbunyi ang lahat nang mapanalunan ni Megan Young ang Miss World title noong October kaya kahit papaano, nabawasan ang sadness ng mga Pinoy dahil sa lindol na kumitil ng maraming buhay at ari-arian sa Visayas.

Kapag nakuha ni Ara ang Miss Universe crown, kahit papaano, may positive news na mapag-uusapan tungkol sa ating bayan na hindi na nawalan ng mga problema. Hindi basta problema as in malalaking problema.

Mga TV reporter sumugod sa mga binagyong lugar

Malalakas ang loob ng mga TV reporter at TV crew na dumayo sa kinaroroonan kahapon ng mata ng bagyo.

Sinuong nila ang panganib para makapaghatid ng balita tungkol sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

Hindi madali ang maging TV reporter dahil nakataya ang kanilang mga buhay pero ginagawa  ang lahat alang-alang sa  tungkulin nila sa bayan. Kahanga-hanga ang ipinakikita nila na dedikasyon sa kanilang mga propesyon.

vuukle comment

ANG BOSOM BUDDIES

ARA ARIDA

BOSOM BUDDIES

ERIK

ERIK SANTOS

MAMA PINKY

MISS UNIVERSE

PINOY

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with