Honesto humataw sa pagsisimula
MANILA, Philippines - Mas lumamang pa ang ABS-CBN sa mga kalabang istasyon nito sa bansa matapos itong tumaas ng tatlong puntos sa total day average audience share na 45% base sa datos ng from Kantar Media.
Umariba rin lahat ng programming blocks ng ABS-CBN.
Sa morning block (6AM-12NN) ay tumaas ang network ng isang puntos kumpara noong Setyembre at nagtala ng 37%.
Apat na puntos naman ang inakyat ng Kapamilya network sa early afternoon block (12NN-3PM) na pumalo sa 43. Dahil ito sa noontime show na It’s Showtime na may 17.7% aveÂrage national TV rating ngayong Oktubre mula 13% sa nakaraang buwan.
Humataw naman ang late afternoon block (3PM-6PM) nito sa 45% mula sa 37% noong Setyembre, dahil sa Kapamilya Blockbusters (13.8%) na patuloy na dinadaig ang mga kalaban.
Patuloy ang pamamayagpag ng ABS-CBN sa primetime (6PM-12MN) na umakyat ng dalawang puntos ngayong buwan sa 49. Ang primetime ang pinakamahalagang timeblock dahil sa mga oras na ito may pinakamaraming manonood at importante ito sa advertisers na naglalagay ng patalastas para maabot ang mas nakararaming Pilipino sa buong bansa.
Samantala, agad namang tinangkilik ng sambayanan ang bagong teleserÂyeng Honesto na nakakuha ng 30.3% average national TV rating, dahilan upang mailuklok ito sa pangalawa sa pinakapinanood na programa noong Oktubre.
Wagi rin ang bagong game show na Bet On Your Baby ni Judy Ann Santos na may 26.9% average national TV rating. Tinutukan din ang bagong teleseryeng Maria Mercedes na pumaÂlo ang pilot episode sa 23.8%.
TV Patrol pa rin ang mas tinatangkilik pagdating sa balita matapos itong magtala ng average national TV rating na 29.5.
Naging napakamatagumpay din ng katatapos lamang na Juan dela Cruz kung saan umaÂrangkada ang huling episode nito sa rating na 38.3% at nakatamo ng aveÂrage national TV rating na 34.5% kaya naman ito ang nanguna sa listahan ng pinaÂkapinanood na programa sa buong bansa noong nakaraang buwan.
Sa kabuuan, 13 sa top 15 na pinakapinanood na programa noong Oktubre ay mula sa ABS-CBN kabilang ang Maalaala Mo Kaya (30.2%), Wansapanataym (29.4%), Got to Believe (29.2%), Annaliza (24.9%), Muling Buksan ang Puso (23.9%), Rated K (20.8%), Goin’ Bulilit (20.2%) at Be Careful With My Heart (19.7%).
Nanguna rin sa kanyang timeslot ang katatapos lamang na Koreanovelang Wish Upon A Star sa average national TV rating na 10.3%.
- Latest