Nakatutuwang isipin na muling nakatuntong ng Kapamilya network si Mariel Rodriguez. Naging panauhin namin ang aktres para sa Ikaw Na segment ng Bandila kamakailan. Nagtapos na ang pang-tanghaling progÂrama ni Mariel sa TV5 kaya magbabalik na nga ba ang TV host sa ABS-CBN? “I would love to. I don’t know yet right now,†bungad ni Mariel.
Marami na raw nagbago sa buhay ng misis ni Robin Padilla katulad na lamang ng pagiging organic nito ngayon. “So many things have changed, I’m a farmer now. I really love organic everything. Nagtatanim ako ng sarili kong gulay but I only have like a tiny backyard. So far do’n pa lang sa mga pasu-paso,†kuwento ni Mariel.
“I feel like I have glowing skin. I feel like I’m happy, my hair is better, I sleep better. I’ve been constipated all my life, now I go regularly. I’m so happy, we’re very happy,†dagdag pa niya.
Masayang-masaya rin daw si Mariel sa tuwing nagbabakasyon sila ni Robin sa ibang bansa. “The last one he took me to Venice and then Amsterdam. I want to live in Amsterdam, ang daming organic. Exactly that’s the real life, I’m now living the real life. Robin is this really big star that we cannot really go around here in the Philippines kasi do’n we’re normal people. Naglalakad kami sa kalye, ang saya namin, we’re not doing anything, just walking,†paglalahad ni Mariel.
Naiisip daw ni Robin minsan na sana ay magawa rin nila sa Pilipinas ang nagagawa nila sa ibang bansa.
I never lied - Paulo
Pinag-uusapan ng buong bayan ang teleserÂyeng Honesto na pinagbibidahan ni Raikko Mateo. Namamayagpag sa ratings ang nasabing programa kaya masaya si Paulo Avelino na napasama siya rito. Ama ni Honesto ang papel ng aktor sa serye. Malapit ito sa puso ni Paulo dahil tatlong taon na rin ngayon ang anak niyang si Ethan sa aktres na si LJ Reyes. Dahil sa bagong serye ay naging bukas na rin sa publiko ang aktor na pag-usapan sa kanyang anak ngayon.
“Sa akin naman kasi, hindi rin naman maganda kung ‘yung show mo is about honesty. Well, I never lied about it. Hindi ko lang talaga gustong pag-usapan pero bilang pambata at gusto ma-target lahat ng age dito lalung-lalo na ‘yung mga bata. Isa sa mga pinaka-importante na trait din na dapat matutunan ng bata ang ipakikita namin dito. So ako, gusto ko rin naman na makita rin ako ng bata na may natututunan siyang asal sa TV,†nakangiting pahayag ni Paulo.
Samantala, kamakailan ay lumabas din ang balitang tinanggihan daw ng aktor na makasama si Angel Locsin sa isang teleserye. “At that time siguro napagod din, and at that time marami ring problema and dire-diretso rin ako no’ng time na ‘yon. So na-burn out rin, so parang hiniling ko na lang muna na magpahinga no’ng time na ‘yon. Hindi naman dahil ayokong makatrabaho si Angel or ayoko gumawa ng soap (opera),†paglilinaw ni Paulo. “Kaya ko rin tinanggap ang Honesto kasi there’s a bigger picture to it, hindi kailangan porke’t daddy ako. Siguro it’s about time that I show something to people, to kids, the country that I also have a boy, a son para napapanood siya at natututunan sa mga ginagawa ko,†giit pa niya.
Reports from JAMES C. CANTOS