‘Duwag’

May nag-react sa column item ko tungkol kay “Bully Gretchen” na patuloy sa pang-ookray kay Gretchen Barretto.

 Ang sabi ng nag-e-emote na reader, biased daw ako dahil sa isinulat ko na parang kilala ni Gretchen ang tao na nagtatago sa alias na Bully Gretchen. Dapat daw eh mag-research ako para malaman ko na nasa Amerika  at wala sa Pilipinas ang basher ni Gretchen.

 Paano ako naging biased eh malinaw ang isinulat ko na “parang kilala” ni Gretchen ang kanyang basher dahil marami itong alam tungkol sa personal na buhay niya. Kapag sinabi na “parang,” hindi sigurado at walang katiyakan.

Bakit ko pag-aaksayahan ng panahon na kilala­nin at alamin ang kina­roroonan ni Bully Gretchen?

Pinatulan nga siya ni Gretchen na naniniwala na kilala niya ang duwag na basher dahil kung matapang ito, gagamitin niya ang tunay na pangalan at hindi  magtatago sa inimbento na alias.

I’m sure, alias din ang name na ginagamit ng nag-react sa column item ko. May duda nga ako na kilala niya ako nang personal at baka magkakilala kami pero dahil duwag siya, walang lakas ng loob ang hitad para ipakilala ang tunay na pagkatao.

May mga kakilala ako na gu­ma­gamit ng mga alias sa social media at papalit-palit ng SIM card para makapang-okray ng kapwa. Sila ‘yung mga hindi busy at walang career kaya may panahon para mambuwisit ng kapwa.

Bibilib pa ako sa nag-react sa isinulat ko kung ginamit niya ang tunay na pangalan o tumawag siya sa akin ng personal at nagsabi ng kanyang  mga agam-agam sa buhay para hindi na siya mahirapan na gumawa ng maraming account sa social media at magpapalit-palit ng SIM cards sa cell phone.

‘Yan lang ang puwedeng maitulong ko sa kanya para hindi na siya makunsumi sa mga isinusulat ko na walang malisya at base lang sa mga sagutan nila ni Gretchen sa social media.

Mga network umariba ang rating sA pag-apir ni Napoles sa Senado

Tinutukan ng sambayanang Pilipino ang pagha­rap kahapon ni Janet Lim-Napoles sa senado.

Sure na sure ako na mataas ang ratings ng lahat ng mga TV network dahil inabangan ng buong bayan ang mga sasabihin ni Mama Jenny.

Ang ending, nagagalit ang televiewers dahil hindi sinagot ni Mama Jenny ang karamihan sa tanong ng mga senador. “Di ko alam at I invoke my right” ang mga sagot ni Mama Jenny na understandable naman na hindi siya sasagot dahil walang tao na ipapahamak ang sarili.

Gutierrez family may sariling reality show na

Magkakaroon ng sariling reality show ang Gutierrez family at mapapanood ito sa 2014. Nagkaroon ng presscon kahapon ang pamilya Gutierrez para sa kanilang show na may pamagat na It Takes Gutz to be a Gutierrez.

Kaabang-abang ang kauna-unahang family reality show sa Pilipinas ng mga Gutierrez, lalupa’t sinabi ni Annabelle Rama na walang mga eksena na ma-e-edit dahil lahat ito ay mapapanood sa TV.

Show comments