^

PSN Showbiz

May Down Syndrome naging normal ang buhay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Abno, retarded, mongoloid. Ilan lang ‘yan sa mga masasakit na bansag sa mga taong may kondisyon na Down Syndrome. Pero sila nga ba ay iba sa normal? Mas mahina nga ba sila sa isang regular na tao?

Ngayong Sabado sa Magpakailanman, tunghayan ang kuwento ni Brina Maximo, isang dalagang may Down Syndrome na pinatuna­yang hindi hadlang ang kanyang kondisyon para mamuhay siya ng normal—at para makatamo ng mga bagay na maging ang normal na tao ay hirap makamit.

At alamin kung paano tinanggap at hinarap ng kanyang mga magulang ang kanyang kondisyon.

Itinatampok sina Ms. Jaclyn Jose, Gardo Versoza, Louise delos Reyes, Barbara Miguel, Sheila Marie Rodriguez, Kyle Ocampo with Annette Samin at Brina Maxino.

Mula sa panulat ni Senedy H. Que at sa masusing direksyon ni Dominic Zapata, huwag palagpasin ang Magpakailanman – My Beautiful Daughter: The Maxino Family Story ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA 7.

 

ANNETTE SAMIN

BARBARA MIGUEL

BRINA MAXIMO

BRINA MAXINO

DADDY KO

DOMINIC ZAPATA

DOWN SYNDROME

GARDO VERSOZA

KYLE OCAMPO

MAGPAKAILANMAN

MAXINO FAMILY STORY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with