Dumalo si Nora Aunor sa premiere night ng Sapi bilang suporta sa director nitong si Brillante “Dante†Mendoza. Ayaw pa nitong mag-comment at ayaw pang pag-usapan ang balitang isa siya sa pararangalang National Artist of the Philippines this November. Pirma na lang daw ni President Noynoy Aquino ang kulang para maiproklama si Guy kasama ang lima pang nominated ng Cultural Center of the Philippines (CCP) at National Commission for Culture and the Arts (NCCA).
Nahiyang sumagot si Guy, kaya tiyak na ikinagulat nito ang introduction sa kanya ni direk Dante na “to our future national artist†dahil ayaw ngang pag-usapan.
Nabanggit ni Guy na makikipag-meeting siya at ang manager na si Boy Palma sa TV5 next week for another TV show. Ibinalita na rin nitong gagawin niya ang pelikulang Dementia to be directed by Perci Intalan.
Dennis nagpa-bj sa pelikula
Nabigyan ng R-13 rating ng MTRCB ang Sapi na showing simula pa kahapon at isa sa mga nakita naÂming rason ay ang eksenang may lumabas na ahas sa private part ni Meryll Soriano. May suggested scene rin na ni-rape si Meryll at mga eksena ni Dennis Trillo na bini-bj.
Maraming foreigners na dumalo sa premiere night ng Sapi at sabi ng kapwa manunulat na si Dinno Erece dahil may international flavour na si direk Dante at kahit mga banyaga sinusuportahan siya. Iyon din ang premiere night na may pinakamaraming directors na dumalo gaya nina Peque Gallaga, Gil Portes, Carlos Siguion-Reyna, Adolf Alix, Jr., Lawrence Fajardo, Red Romero, Mike Sandejas, at naroon din si Ricky Lee.
Kahit horror ang genre ng movie, tinutumbok ang network wars, ratings war at mga nangyayari ngayon sa bansa. Pansinin n’yo ang ending at last frame ng Sapi!
Cristine mas bida kay Alice sa When the Love...
Kagabi ang presscon ng When the Love is Gone ng Viva Films, maitatanong na namin kung tama ang nabasa naming isa si director Wenn Deramas sa mga producer ng pelikulang showing sa November 27.
Kahilera ang name ng director nina Vic del Rosario, Jr., Vincent del Rosario at dalawa pa. Pero nang tingnan namin sa poster, wala ang pangalan ni Direk Wenn.
May special participation sa movie si Dina Bonnevie at sabi ni Alice Dixson, natuwa siya nang malamang kasama ito sa movie dahil idol niya si Dina kahit noong hindi pa siya artista. Gustung-gusto niya ito sa Magdusa Ka.
Teka lang, ano kaya ang reaction ni Alice na sa poster ng When the Love Is Gone, lumalabas na sina Cristine Reyes at Gabby Concepcion ang pinakabida? Nasa side ang pictures nila nina Andi Eigenmann at Jake Cuenca.
Tom pumayag namang maging FX driver
Pagkatapos ng Bekikang, sa Gaydar naman mapapanood si Tom Rodriguez na gaganap na FX driver, pero may twist sa kanyang karakter. Mula sa direction ni Alvin Yapan at produced ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso at showing sa November 13 sa selected theaters.
Leading lady sa movie si Pauleen Luna na pag-aagawan nila ni Rafael Rosell. Isa sa kukuha ng pansin ng moviegoers sa movie ay ang mga eksena ni Pauleen na maganda sa lahat ng eksena at wala siyang anggulo, lahat ng kuha sa kanya maganda. Sa pelikulang ito pinakamaganda ang GF ni Vic Sotto. Promise!
Nakausap namin sandali si Tom sa premiere night ng Sapi at excited na sa MHL US Tour dahil makikita niya after almost three years ang parents at ibang miyembro ng pamilya. Looking forward na rin si Tom sa Christmas at New Year vacation niya kasama ang pamilya. Aalis siya rito sa December 18 at January 2014 na ang balik.
Samantala, pino-promote rin ni Tom ang replay ng finale week ng My Husband’s Lover sa Nov. 17, after Imbestigador sa SNBO.