Rayver suportado si Matteo kay Sarah

Suportado raw ni Rayver Cruz ang kaibigang si Matteo Guidicelli sa pagkakaugnay nito kay Sarah Geronimo. Matatandaang nagkaroon din ng ugnayan noon sina Rayver at Sarah pero masaya raw ngayon ang aktor para kina Matteo at Popstar Princess. “Basta kung saan masaya ang bawat isa. Si Matt (tawag ni Rayver kay Matteo), nakikita kong masaya si Matt ngayon kapag dumarating sa shooting, so happy ako,” bungad ni Rayver.

Sinisiguro raw ng binata na hindi makasisira sa pagkakaibigan nila ni Matteo kung sakaling magkaroon man ng relasyon ang huli kay Sarah. “Ang tagal ko nang kaibigan si Matt, parehas kaming nakatira sa South, pareho kami ng gym na pinupuntahan. So hindi ko pa siya nakakatrabaho ay kakilala ko na si Matt. So kahit anong mangyari ay comfortable kaming dalawa, parang ‘di makakaapekto sa amin ‘yon,” paliwanag ni Rayver.

Samantala, nagsimulang kumalat ang pagkakamabutihan diumano nina Matteo at Sarah ilang buwan na ang nakararaan. Aminado rin si Matteo na nakilala na rin niya ang mga magulang ng singer.

Wala pa mang kinukumpirma si Matteo tungkol  sa kung anoman ang tunay na namamagitan sa kanila ni Sarah ay masaya naman daw siya ngayon sa takbo ng kanyang career at love life. “Very happy and very inspired,” matipid na pahayag ni Matteo.

Cesar nag-indie na naman dahil kay Angelica

Nagbalik Kapamilya network si Cesar Montano dahil gumawa ang aktor ng isang indie film para Cinema One Originals, ang Alamat Ni China Doll. Kasama ni Cesar sa nasabing proyekto sina Angelica Panganiban at Philip Salvador.

Tinanggap daw ng aktor ang pelikula dahil maganda talaga ang istorya nito at gaganap siya bilang isang journalist sa kauna-unahang pagkakataon. “The script of Lav Diaz is an excellent script. Nabasa ko at nakita ko ‘yung role na in-offer sa akin and I think I haven’t done it yet in my career. Napaka-challenging and fulfilling nito,” nakangiting pahayag ni Cesar.

Nakumbinsi rin daw ang aktor na gumawa ng isang indie film dahil magaling ang direktor nito at dahil na rin sa kanyang leading lady. “First time ko rin na makakasama sa isang pelikula si Angelica Panganiban and I know for a fact that she is a very talented actress. Kaya sabi ko ay tatanggapin ko,” pagtatapat ni Buboy. “I saw his film, si Direk Adolf Alix, when I was one of the judges in Palanca Awards. ‘Yung script niyang Death March, I was so flabbergasted and I believe in him as a director, as a writer. Kaya sabi ko, hindi ko tatanggihan ito,” dagdag pa niya. Reports from JAMES C. CANTOS  

                                                                    

Show comments