^

PSN Showbiz

Organizer ng Miss U na-opera; Pinuntahang bahay ampunan ni Megan sa Haiti nag-collapse!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Noong October 31 pa nangyari ang pag-collapse ng second floor ng temporary building ng orphanage na binisita ni Miss World 2013 Megan Young at ng Miss World organizer na si Julia Morley pero kahapon lamang nila inilabas ang balita.

Hinintay muna siguro ng mga tauhan ni Julia na maging maayos ang kalagayan nito. Sumailalim siya sa isang hip operation dahil masama ang pagbagsak ng kanyang katawan.

Bumagsak ang second floor ng bahay ampunan dahil hindi nito kinaya ang bigat ng mga bata na  na-excite at sumugod sa kinaroroonan ni Megan nang makita nila ang Miss World na suot ang kanyang korona.

Nakapangingilabot ang tunog ng bumagsak na second floor na nakunan ng video. Hindi nasaktan si Megan at ang ibang mga bata pero napuruhan si Julia, pati ang bata na nagngangalan na Jonathan. Nabali ang balakang ni Julia kaya inilipad siya sa isang ospital sa Miami para operahan.

 May mga tweet si Megan noong November 1 pero wala siyang binanggit tungkol sa freak accident na nangyari. Kahapon lamang siya nag-post sa Twitter ng article link tungkol sa naganap na aksidente. Mabuti na lang, nakaligtas si Megan or else, magi­ging Megone na ang first ever Pinay Miss World.  Ito ang kuwento ni Megan na na-publish sa official website ng Miss World Organization:

 â€œWe went into the orphanage hoping for a good day. I was happy that day and the children we were with seemed so full of energy and joy. We get onto this second floor platform, and we aren’t even there for a minute and we hear a crack and everybody falls through.

“Nothing like that has really happened to me before. It was such a shock. I felt like a deer in the headlights. I didn’t really know what had happened or what to do. We had all fallen down, but I was still on my feet. I had the crown in one hand and the    other hand instinctively holding up one of the decks in place with two people. There were lots of kids under the decks still and we just instinctively held on. it was such a scary situation for me. It makes you realise there is so much more that should be done for these kids. It’s not the only orphanage out here in Port au Prince, and I am sure others are in a similar state.”

“We just hope that Julia recovers from it as quickly as possibly and dear Jonathan. My thoughts are with them at this time. It was a real eye opener and just shows how much work needs to be done in Haiti. I want to go back and continue with the work that we have started, and make sure nothing like this can happen again. ”

Nakalagay sa website ng Miss World Organization ang mga litrato ni Megan nang salubungin siya ng mga bata.

May mga litrato rin ng bahay ampunan na dinalaw nila ni Julia. Maiintindihan na ngayon ng mga tao kung bakit ang Haiti ang isa sa mga bansa na tinutulungan ng Miss World Organization.

Sa totoo lang, malaki ang dapat ipagpasalamat ng mga Pinoy dahil mas maayos ang kalagayan ng ating bayan kesa sa Haiti.

Kawawa ang mga bata na binisita nina Megan at Julia. Malayung-malayo ang orphanage na tinitirhan nila sa mga bahay-ampunan sa Pilipinas. Babalik si Megan sa New York sa November 19  dahil sa fund raising events ng Miss World Organization para sa mga kapus-palad na bata ng Haiti.

JULIA

JULIA MORLEY

MEGAN

MISS

MISS WORLD

MISS WORLD ORGANIZATION

WORLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with