MANILA, Philippines - Ipinanganak lamang sa kusina ng mag-asawang retiradong public school teachers na sina Felix at Meding Garcia ang Mekeni Food Corporation. IbabaÂhagi ni Karen Davila ang kuwento kung paano nila napalago ang kaÂnilang negosyo sa My Puhunan ngayong Miyerkules (Nov. 6).
Animnapung taong gulang na sina Felix at Meding noong simulan nila ang Mekeni. Gamit ang kanilang retirement pay, namuhunan sila upang maÂkapagtinda ng sarili nilang ng tocino sa harapan ng kanilang tahanan. Wala silang naging katulong ngunit napalaki nila ito kasabay ng kanilang mga anak.
Matapos ang mahigit dalawang dekada, naging isang malaking korporasyon na ang Mekeni na kumikita ng mahigit P110 milyon kada buwan.
Sa My Puhunan, itatampok din ni Karen ang negosyong kainan at sports bar ng PBA superstar na si Atoy Co. Mismong si Atoy pa ang nag-eentertain sa kanyang mga customer dito. Bukod dito, ituturo rin ni Atoy sa mga manonood ng My Puhunan kung paano ihanda ang kanyang specialty na sizzling sisig.
Tutukan na ang katuwang ng Pilipino sa pagsisimula at tagumpay, ang My Puhunan ngayong Miyerkules, 4:15 p.m., sa ABS-CBN.