Sharon kilig na kilig pa rin kay Goma

SEEN : Kinilig ang viewers ng The Mega and the Songwriter noong Linggo dahil nahawa sila sa kilig ni Sharon Cuneta sa guest na si Richard Gomez.

SCENE: Bumalik na kahapon si Kim Atienza sa It’s Showtime.

Ilang linggong hindi napanood si Kim sa noontime show dahil sa kanyang sakit, ang Guillain Barre Syndrome.

SEEN: Ang role sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin ang biggest TV break ni Rayver Cruz at nagpatunay na may ibubuga siya sa pag-arte.

SCENE: Magkatapat na magkatapat kahapon ang mga segment ng Eat Bulaga at It’s Showtime, ang That’s My Tambay at That’s My Tomboy, respectively.

SEEN: Dinagsa ng Pinoy fans ang concert ng Korean boy band na Infinite sa Smart Araneta Coliseum noong Linggo.

Malakas pa rin ang hatak sa mga Pinoy ng mga Korean boy band.

SCENE: Napaiyak si Dongwoo nang kantahan siya ng happy birthday ng Pinoy fans ng Infinite.

Si Dongwoo ang main rapper at lead dancer ng Infinite.

SEEN: Ipinalabas kahapon sa BBC World ang one-on-one exclusive interview ng Filipino broadcast journalist na si Rico Hizon sa supermodel na si Naomi Campbell.

SCENE: Parehong fashion taste sina Raymond Gutierrez at Jed Madela dahil mahilig sila sa la­yered clothing.


                                        

Show comments