MANILA, Philippines - Wala nang urungan ang magaganap na kasal nina Sir Chief (Richard Yap) at Maya (Jodi Sta. Maria) sa November 15.
Aligaga na ang lahat sa paghahanda para sa big day ng mag-amo na magiging mag-asawa na.
Kahapon ay humarap sa wedding presscon ang ikakasal na sa matagumpay na programang Be Careful of My Heart ng ABS-CBN. Halos isang taon at kalahati nang tumatakbo ang nasabing programa at very thankful sina Sir Chief at Maya na tinanggap sila ng manonood simula sa simula.
Bongga ang magiging kasal nila dahil mula sa invitation, sa gown na isusuot ni Maya at Sir Chief, sa mga gagamiting bulaklak, pagkain, venue etc., lahat-lahat ay pinaghahandaan ng production.
Taped as live na mapapanood ang kasalan na ipakikita sa buong episode.
Ang observation, mas malaki pa ang magagastos ng kasalan ng dalawa kesa sa mga kasalan sa totoong buhay.
Susunod din sila sa mga pamahiin like ‘di puwedeng i-fit ang wedding gown isang araw before the wedding at hindi puwedeng magkita ang groom and bride bago ang kasalan. “Para kaming nagpi-prepare sa totoong wedding. Nandiyan ‘yung mga rehearÂsals. May counseling at marami pang iba. May prenup shoot pa, may after-wedding part, so talagang the works talaga,†sabi ni Jodi sa kino-consider na wedding of the year.
Dagdag naman ni Sir Chief na ang magaganap na wedding ang magiging simula ng something else. Lalo na nga’t hindi bumibitiw ang audience.
Ganundin ang naging katuwiran ni Jodi.
Kahit parehong may kanya-kanyang commitment, pareho silang na-e-excite dahil nararamdaman nila na maraming naghihintay sa magaganap na kasalan na hindi pa sinabi ang venue.
“Parang papel na nga lang ang kulang. Lahat nang pinagdadaanan ng ikakasal, pinagdadaanan namin,†sabi ni Maya (Jodi).
Sa Japan naman sila magha-honeymoon. “Kasi hindi pa nakaka-experience ng snow si Maya, Pangarap niya ‘yun. Dahil sa pagmamahal ni Sir Chief kay Maya, ‘yun ‘yung gusto niyang ma-experience ni Maya. So humanap siya ng isang lugar kung saan mayroong snow. Sa panahon ngayon, mayroon nang snow sa Japan, so pa-fly si Sir Chief at Maya sa Japan para mag-honeymoon,†dagdag ng girlfriend ni Jolo Revilla sa totoong buhay.
In real life, aminado nga pala si Jodi na mas realistic na siya ngayon pagdating sa pagpapakasal pero hindi siya nawawalan ng faith. Una siyang nagpakasal kay Pampi Lacson at ngayon nga ay sinasabing nagpaplano rin sila ni Jolo.
Sa part naman ni Richard, very traditional ang magiging wedding nila at walang touch of Chinese.
“Mas modern na ang Chinese ang character ni Sir Chief,†sabi niya.
Eh ano namang masasabi ni Maya na nagkaroon ng pag-asa ngayon ang mga tulad sa role niya na kasambahay, yaya etc, na may tsansa na pakakasalan din sila ng kanilang sir.
Katuwiran ni Maya mag-a-abroad naman sana talaga siya pero naloko siya ng recruiter kaya pumasok siyang yaya ng mga anak ni Sir Chief.
So ending na ba ang palabas at magaganap na ang kasalan?
“Well actually the people expect na the show will end on a wedding. Kasi lahat ng shows karamihan ay ganoon, pagkatapos ng wedding ay tapos na, pero this siguro will be a first also for the show na the wedding will be a beginning of something else,†sabi ni Richard.
“Basta kaya ni partner (Richard) kakayanin ko din. Team work ito,†sabi naman ni Jodi.
Ayon sa staff ng programa, malamang na ma-extend ang programa dahil gusto nga raw ng manaÂgement dahil na rin sa request ng manonood.
Aminado rin ang staff na ilang beses na silang nagsabi na suko na sila, kaya lang pag nakikita raw nila ang fans all over the world, nare-reward ang nararamdaman nilang pagod.
At nanghihinayang man sila na hindi sila nakasama sa Metro Manila Film Festival, hindi na raw kasi talaga nila kaya at hindi naman advisable pipilitin lang nila.
So hintayin natin kung ano ang kapalaran nina Sir Chief at Maya pagkatapos ng kasalan.
Marami talaga kasing sumusubaybay sa progÂramang ito na naririnig ko pang nagkukuwento ang mother ng isang kasama sa trabaho na nasusunog ang niluluto niya sa panonood sa kinaaliwan niyang programa ng Kapamilya Network. Hehehe.
Teka baka naman may pipigil sa kasal nila na magpapatagal pang lalo sa palabas?