Pero gustong balikan ni Coco mga Indie film nilalangaw sa mga sinehan

Alam mo, Salve A., hindi pa rin talaga ganun kahanda ang moviegoing public na suportahan sa takilya ang mga indie film kahit gaano karami ang makuha nitong awards sa mga sinasalihang iba’t ibang international film fes­tivals sa ibang bansa. Hindi pa rin kasi ito kina­kagat ng publiko na siyang nakakalungkot.

Ilang indie movies na ba ang ipinalabas sa mainstream na nilangaw sa takilya? Sad to say, ang mga independently-produced film na limitado ang budget only cater to a limited market.

Since mabibilang lang naman sa daliri ang mga natitirang mainstream producer, walang choice ang ibang independent film producers kundi indie projects.

Pero gusto pang muli ni Coco Martin na maka­gawa ng isang makabuluhang indie movie dahil dito siya unang nakilala bilang mahusay na aktor.

Ang walang kiyeme sa paggawa ng indie mo­vie ay ang aktres na si Eugene Domingo. Pero kahit mainstream ay game siya. Kung paramihan ng pelikulang nagawa sa taong ito, wala na sigurong tatalo kay Eugene. Nagbibilang na rin si Uge ng international awards!

Meron din siyang pelikulang palabas this week, ang Status: It’s Complicated under Regal Entertainment, Inc. at may filmfest entry din siya, ang Kimmy Dora 3rd installment. Napanood din siya sa Instant Mommy recently.

Since drama ang tema ng Barber’s Tale, it’s about time na gumawa na rin si Uge ng mga seryosong pelikula.

Luis nag-muni-muni sa Japan

Sobra talaga ang pagkakaibigan nina Luis Manzano at Billy Crawford dahil pati pakikipagkalas sa kanilang mga ex-girlfriend ay magkasunod nilang ginawa.

 Pero klinaro nina Luis at Billy na wala silang pinag-usapan tungkol sa kanilang breakup sa kanilang mga hu­ling nakarelasyon. 

Si Luis ay kasama ang kanyang mommy, si Batangas Gov. Vilma Santos, mister nitong si Sen. Ralph Recto, at nakababatang ka­pa­tid na si Ryan Christian sa Japan for a much-needed vacation. Since malamig ang climate nga­yon sa Japan, tiyak na makakapag-isip ng husto si Luis what his next moves are pagbalik ng Maynila.

Show comments