Tuluyan nang nagkahiwalay sina Paulo Avelino at ang ina ng anak niyang si Ethan na si LJ Reyes. Ayon sa aktor, wala naman siyang karelasyon ngayon.
“Single and complicated. Siguro I’ve been aloof answering questions. Hindi naman ako nagsisinungaling pero I’m a very private person. I just want my personal life away from the public as much as possible. It was a mutual decision, sinisiguro ko na may oras ako para sa bata. ‘Pag wala akong ginagawa I try as much as possible to spend it with my son,†pagtatapat ni Paulo.
Nilinaw din ng aktor ang tungkol sa napabalitang nagtangka raw itong magpakamatay dahil sa ilang mga personal na bagay.
“Well it’s not true. Hindi naman. I won’t be affected by something that’s not true. First of all I’m here and noong pumutok ’yung balita I was working. Dire-diretso siguro for a whole week and nagulat din ako and nagising na lang ako na may tumatawag sa akin,†natatawang kuwento ni Paulo.
Aminado naman ang binata na dumating talaga sa punto ng kanyang buhay ang mabibigat na problema pero hindi naman daw ito humantong sa depresyon.
“Siguro normal naman ’yun sa tao na nalulungkot, sumasaya. I wouldn’t call it depression. I would call it something normal na pinagdadaanan ng isang tao,†paliwanag ni Paulo.
Tweetie de Leon kumita ng malaki sa paggawang sariling accessories
Matagal nang hindi tumatanggap ng proyekto sa showbiz si Tweetie de Leon mula nang mag-asawa at magkaanak siya ilang taon na ang nakalilipas. Ngayon ay pinasok na rin ng kilalang modelo, at minsan ding naging aktres, ang pagnenegosyo.
“Nakatanggap ako ng isang libro on how to make jewelry and I said, ‘Subukan ko nga ito.’ Noong natuto na ako at gumaling na ako, gumawa na ako para sa sarili ko,†bungad ni Tweetie.
Nagsimula lamang daw sa kapital na P3,000 ang aktres sa kanyang handcrafted jewelry business at ngayon ay kumikita na ng daan-daang libo.
“Hindi ko naman kailangang bumili ng maraming set dahil ako lang naman ang gumagawa. Tinuruan ko ’yung yaya ko sa bahay para ‘pag hindi ko na kayang tapusin, alam ni yaya,†smile ni Tweetie.
Inaabot daw ng isa hanggang dalawang oras si Tweetie sa paggawa ng isang pirasong aksesorya na kanyang itinitinda.
“Ang selling point mo sa tao ay ginawa ko ’to by hand. So, wala silang makakasalubong na kapareho,†giit ni Tweetie.
Karamihan daw sa kanyang ginagawa ay yari sa kamagong at mabibili ang mga produkto sa shop niyang TDLG. Maging ang sikat na international designer na si Paul Smith ay napahanga na rin sa accessories na ginagawa at binebenta ni Tweetie.
“I was able to make P200,000 to P250,000 gross. Kahit ano’ng hilig natin, that can be turned into a skill. And then if it’s a skill, it can be turned into a business opportunity,†inspiradong paalala pa ni Tweetie.
Reports from JAMES C. CANTOS