MANILA, Philippines - Type na type pala ni Eugene Domingo si Richard Gomez noong-noon pa.
At matagal na niya itong gustong makasama sa pelikula pero hindi natutupad.
Kaya naman nang makita niya ito sa ASAP two weeks ago nang mag-promote siya ng latest movie niyang Status: It’s Complicated, hindi na niya pinalampas ang tsansa.
Nag-usap sila at pinagbigyan siya nito ng kiss – sa lips – na ikinakilig niya ng grabe.
At nag-e-expect siya na magkakaroon na ng chance na magkakasama sila ng actor na matagal na nga niyang inaasam-asam.
Kahit daw ka-love triangle siya nina Goma at Dawn Zulueta, go siya. Hahaha! Why not?
Puwede naman dahil sa It’s Complicated ay nakipagtalbugan siya kina Solenn Heussaff and Maja Salvador. Yup, at naging girlfriend pa siya ni Paulo Avelino.
Pabagets nang pabagets ang role niya na swak naman sa pelikulang palabas na sa Nov. 6.
Pumayat na kasi ng husto si Eugene, 24†na lang ang waistline niya.
Eh ang love life, meron ba siya? Anong status?
“Very hopeful,†sabi niya.
Eh ano ’yung balitang may nakilala siyang British guy sa Bora habang nagsyu-shooting sila ng It’s Complicated?
“Wala lang ’yun. Lumapit lang at nagpa-picture,†nakangiting sabi ng actress na kapapanalo lang na best actress sa Tokyo International Film Festival para sa pelikula na Barber’s Tale.
Kung meron naman ay hindi niya ililihim dahil gusto na rin naman niya. Pero foreigner na ang gusto niya. “Dahil sabi nila sila ang mas bagay sa temper ko,†sabi ng comedienne.
Anyway, nagsanib-puwersa na sina Eugene at director Chris Martinez sa ilang indie film bago sila nagtrabaho bilang artista at direktor sa pelikula ng Regal. Kinomisyon ni Mother Lily Monteverde si Martinez upang magdirek ng isang episode sa Shake, Rattle & Roll, ang Rain, Rain, Go Away, at nakuntento siya sa trabaho nito.
Palibhasa alam din ng Regal producer ang husay ni Direk Chris sa pagsusulat, sa kanya ibinigay ang Gunaw episode na pinagbidahan ni Eugene sa My Valentine Girls. Hit na hit ito sa mga manonood.
Ang remake ng campy movie na The Temptation Island ang biggest break ni Martinez bilang director sa mainstream nang pagtiwalaan siya ni Mother Lily. Hindi naman nabigo ang Regal producer sa magandang resulta sa takilya ng movie.
Heto at muling nagtiwala si Mother Lily kay Martinez na idirek ang pelikulang Status: It’s Complicated. Isang sexy, naughty, at comic film tungkol sa tatlong klase ng babae na may iba-ibang pananaw sa love at sex.
Kakaiba ang atake ng komedyana sa role niya kaya angat na angat siya sa eksenang pinag-aagawan siya ng mga bidang lalaki na sina Jake Cuenca at Paulo Avelino at nakikipaglaban sa pagandahan ng katawan at palakasan ng appeal nina Maja at Solenn.
Of course, alam na ni Direk Martinez ang kahusayan ni Eugene bilang signature actress niya.
Maging si Mother Lily, tawa nang tawa sa kabaliwang ipinakita ni Eugene sa movie. Kumbaga, hindi siya nagkamali na isama siya sa cast. Kahit na magastos sa requirements ang movie at director, wala siyang pakialam na bumuhos sa movie upang mabigyan ng nakakaaliw na pelikula ang manonood.
Bukod sa mga nakakatawang eksena, asahang tatatak ang mga dialogue ng mga bida na ikinaaliw ng mga nakapanood na sa pelikula.
Ariella waging Ice Princess sa Miss U
Mukhang malakas talaga ang laban ni Ariella Arida sa Miss Universe 2013. Ayun, nanguna siya sa ginanap na glam shoot ng 86 na mga kandidata sa Moscow, Russia.
Siya ang napiling Ice Princess sa winter-themed photo shoot na ginanap sa Moscow na naka-upload sa official website ng Miss U 2013.