Kanye West at Kim Kardashian nagsampa ng kaso sa website na nag-upload ng video ng proposal

MANILA, Philippines - Nag-file ng lawsuit ang power couple na sina Kim Kardashian at Kanye West laban sa co-founder ng YouTube na si Chad Hurley dahil sa pag-post nito ng proposal video sa bagong website venture nito na MixBit.

Naganap ang proposal ni Kanye kay Kim last Oct. 21 sa At&T Field in San Francisco at nagulat na lang ang dalawa nang may mag-post nito sa MixBit na walang permiso nila.

Sa legal documents filed sa Los Angeles Superior Court, nakalagay doon na nagawang ipa-document ni Hurley ang exclusive event na iyon through the guest of an invited guest.

Lahat ng mga guest ng couple ay pinapirma sa isang confidentiality agreement “that no one would publish any aspects of the event.”

Pero dahil gusto ngang pasikatin agad ni Hurley ang MixBit, gumawa ito ng paraan para mai-upload ang nakunan niyang video kahit na alam niyang bawal iyon at isang lawsuit ang matatanggap niya mula sa dalawa.

Nalaman pa nila na ipinadala pa ni Hurley ang ilang kopya ng video sa media para ma-release ito agad the next day. Unang napadalhan ay ang OMG! na agad nilang ipinalabas sa ere not knowing na bawal pala iyon.

 

Show comments