^

PSN Showbiz

Ogie nakapaglalaan pa ng oras sa pamilya kahit tatlo ang show at may mga negosyo pa

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ang bilis talaga ng panahon. Sixteen years old na ang panganay ni Ogie Alcasid sa kanyang Australian ex-wife and former Miss Australia na si Michelle Van Eimereen na si Leila. Ogie and his parents attended Leila’s 16th birthday sa Robertson, Sydney kamakailan lang at na-meet ng singer-composer-TV host-comedian ang 17-year-old Australian boyfriend ng kanyang anak na gustong maging isang doctor.

Tuwang-tuwa si Leila sa pagdating ng kanyang dad and Filipino grandfather sa kanyang 16th birthday. Hindi nakasama ang mag-inang Regine Velasquez at Nate dahil sa US tour naman ng Asia’s Songbird na kailangan niyang paghandaan. Pagkabalik ng Pilipinas ni Ogie, umalis naman ang kanyang mag-ina patungong Amerika at next week na ang kanilang balik.

Agad namang napasabak si Ogie sa taping ng kanyang dalawang tumatakbong shows sa TV5, ang The Mega and the Songwriter, na pinagsasamahan nila ni Sharon Cuneta at ang gag show na Tropa Mo Ko Unli. Next week naman ay magpapatuloy ang taping niya ng The Gift TV series kahit hindi pa ito mai-air.

Si Ogie ay isa sa pinaka-busy among his peers. Bukod sa kanyang tatlong shows sa TV5, hindi niya pinababayaan ang kanyang role bilang mister ni Regine at ama ng kanyang tatlong anak, ang kanyang pagiging composer, at pagiging pangulo ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit, and some businesses pa on the side.

Kapuso shows namamayagpag sa Vietnam at Cambodia

Kung ang mga Koreanovela ay sikat at tinangkilik sa Pilipinas, sikat na sikat naman sa ibang Asian countries ang mga Filipino teleserye. Ang mga Kapuso star ay kilala sa Cambodia at Vietnam dahil ipinapalabas doon ang mga TV drama series ng GMA. Ngayong Nov. 4 at 5 ay nasa Vietnam si Marian Rivera at may guesting siya sa TODAY TV na siyang nag-i-air ng mga Filipino TV drama series. Nagtungo na rin doon ang ibang Kapuso stars. Sa ibang Asian countries naman namamayagpag ang mga kilalang teleserye ng ABS-CBN.

I wonder kung ipinapalabas sa Korea ang mga Filipino drama TV series dahil sikat na sikat ang kanilang mga serye sa Pilipinas.

Puntod ni Helen Vela wala man lang bulaklak at kandila

Sa halip na Nov. 1, All Saints’ Day, ay tuwing Nov. 2 (All Souls’ Day) kami nagtutungo ng Manila Memorial Park para dalawin ang libingan ng aming namayapang ama, si Bonifacio Basada Amoyo. May ilang metro lamang ang layo ng libingan ng aking ama sa libingan ng yumaong si Helen Vela at ex-husband nitong si Orly Punzalan.  Napansin namin na wala pa marahil dumadalaw sa libingan ng dating mag-asawa dahil wala kaming nakitang bulaklak at kandila sa kanilang mga puntod lalo’t nasa Amerika ang kanilang panganay na anak na si Princess Punzalan.

Pawang yellow flowers naman ang nakapalibot sa libingan nina dating Sen. Ninoy Aquino at dating Pangu­long Cory Aquino, ang namayapang mga ma­gulang nina Pangulong Noynoy, Kris, Ballsy, Pinky, at Viel Aquino.

Sa Manila Memorial Park din nakalibing ang komed­yanteng si Rene Requiestas, ang mga aktor na sina Dindo Fernando, Rico Yan, at iba pa. 

Jodi at Richard Nov. 15 na ang big day

Big day ang Nov. 15 sa mga taga-subaybay ng long-running morning family drama series na Be Careful with My Heart dahil ito mismo ang araw ng kasal nina Ser Chief (Richard Yap) at Maya (Jodi Sta. Maria) sa nasabing top-rating series.

Ang nakakatuwa, kahit simpleng tampuhan sa pagitan nina Ser Chief at Maya ay kinikilig ang mga manonood. Talagang nakuha ng ABS-CBN ang pulso ng mga televiewer sa malaking tagumpay ng Be Careful with My Heart.

 

BE CAREFUL

HELEN VELA

KANYANG

KAPUSO

LEILA

MY HEART

OGIE

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with